MATABIL
ni John Fontanilla
NAIYAK sa labis na kaligayahan ang comedy actress na si Chariz Solomon nang manalo itong Best Comedy Actress (Bubble Gang) sa katatapos na 37th PMPC Star Awards for Television last August 24 (Sunday) na ginanap sa VS Hotel Convention Center QC na hatid ng Bingo Plus.
Inalay ni Chariz ang kauna-unahang Best Comedy Actress trophy sa Panginoon, sa kanyang pamilya, at sa kanyang co-artist at staff and crew ng Bubble Gang.
Sa kanyang speech habang naiiyak ay ibinahagi ni Chariz ang kuwento kung paano siya nakapasok sa Bubble at ang mga taong tumulong sa kanya sa pagsisimula sa showbiz.
Nakalaban ni Chariz sa kategoryang Best Comedy Actress sina Analyn Barro (Bubble Gang / GMA 7), Meg Imperial (Good Will / Net25), Valeen Montenegro (Bubble Gang / GMA 7), Gladys Reyes (One For All, All For One / INCTV), Manilyn Reynes (Pepito Manaloto / GMA 7), at Tuesday Vargas (Bubble Gang / GMA 7).
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com