MATABIL
ni John Fontanilla
FEELING blessed si Kim Rodriguez sa kanyang bagong proyekto na Wais at Eng-Eng na makakasama sina John Estrada bilang Wais at Long Mejia bilang Eng- Eng.
Gagampanan ni Kim sa sitcom ang role ni Cassy, ang pinakamaganda at sweet na sweet na tindera sa Brgy. Panalo.
Bukod kina John, Kim, at Long ay makakasama rin nila sina Jorel Ramirez, King Gutierrez, Leo Bruno, Isabella Ortega, Queenzy Sembrano,Relly Jose Jr., at
Zach Bederi.
Ang Wais at Eng- Eng ay mapapanood tuwing Sabado sa Puregold Channel sa direksiyon ni Ricky Victoria.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com