Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Zyrus Desamparado Sugo

 Zyrus Desamparado bibida sa Visayan movie na Sugo 

MATABIL
ni John Fontanilla

MULING aarte makalipas ang ilang taong pananahimik ni Zyrus Desamparado. Magbibida siya sa Visayan movie, ang Sugo na idinirehe ni Elcid Camacho.

Ang huling pelikula ni Zyrus ay ang 2009 award winning movie na Engkwentro ni Pepe Diokno, na nanalo si Zyrus ng Breakhrough Performance by an Actor sa 7th Golden Screen Awards noong 2010.

Ang pelikulang Sugo ay tungkol sa taong 2026 na may isang lihim na organisasyon ang nakatuklas ng paglalakbay sa panahon at nagpadala ng isang nag-iisang operatiba—kilala lamang bilang ang Sugo—pabalik sa taong 1988 para baguhin ang takbo ng kasaysayan.

Ngunit sa bawat paglukso sa panahon ay may kapalit, at ito ang kompletong pagkawala ng alaala. Nawalan ng pagkikilanlan at tanging mga fragment ng misyon lamang ang nagtutulak sa Sugo.

Kailangan niyang mag-navigate sa nakaraan, alamin ang mga lihim na katotohanan, at harapin ang posibilidad na ang pagligtas sa hinaharap ay nangangahulugan ng muling pagtuklas sa kanyang sarili.

Kakaibang role ang gagampanan dito ni Zyrus na malayong-malayo sa mga proyektong nagawa na.

Magkakaroon ng premiere night sa Cebu ang Sugo. Pagkaraan ay mapapanood ito sa BisayaFlix app. na pag-aari ni direk Elcid, dating Mr. Universe Philippines at asawa ni Akiko Solon, dating Star Magicartist.

Layunin ng BisayaFlix na mabigyan ng pagkakataon ang mga local artist specially sa Visayas at Mindanao.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …