Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jojo Mendrez Papa Dudut

Jojo Mendrez patuloy na namimigay ng pera

MATABIL
ni John Fontanilla

NASA magandang pangangalaga ang Revival King na si Jojo Mendrez nang magdesisyon ito na iwan ang dating manager at lumipat sa Artist Circle ni Rams David.

Bago ito pumirma ng kontrata sa Artist Circle ay naglabas ito sama ng loob sa kanyang Facebookaccount na ipinost tungkol sa mga taong nanamantala sa kanya.

Ganoon man ang nangyari at ginawa sa kanya ay nagpapasalamat pa rin si Jojo sa mga nasabing tao dahil sa mga bagay na naitulong sa kanya.

Kuwento nga ni Papa Dudut (Barangay LSFM DJ at kaibigan ni Jojo), “Mabait at napaka-generous na tao ni Jojo, siya ‘yung tipo ng tao na madaling lapitan, hindi siya madamot. 

“Sa tagal ko ng kilala si Jojo alam ko na mabuti ang kanyang puso, kaya nakalulungkot lang na sa kabaitan niya may mga tao pa ring nagsasamantala sa kanyang kabaitan.

“Naniniwala ako sa bagong management ni Jojo, mas magiging maganda at magiging smooth ang kanyang career.”

Sa ngayon ay abala si Jojo sa promotion ng kanyang revival song na I Love You Boy  na unang pinasikat ni Timmy Cruz na ngayon ay binigyan ng bagong titulo, I Love You Babe.

Nakatakda rin nitong  i-revive ang Bakit Ba Ganyan? ni Dina Bonnevie at ang Yakap ni Junior.

At ngayong taon din ay may maagang Pamasko ito sa kanyang mga tagahanga sa pamamagitan ng kanyang Christmas song at isang extended EP.

At dahil likas na generous ay tuloy-tuloy din ang pagtulong nito sa ating mga kababayan sa kanyang FB Live at sa pamimigay ng salapi sa kanyang mga nakakasalubong.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …