Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nadj Zablan Laya

Kanta ni Nadj sikat sa Facebook at Tiktok

RATED R
ni Rommel Gonzales

ANG Laya ang pinakabagong awitin mula sa Pinoy Alternative Rock Singer-songwriter & GMA Kapuso Artist na si Nadj Zablan.

Ang Laya ay isang awitin bagama’t rock ang tema ay may nakaiindak na tiyempo. Sa unang mga linya, maiisip ng lahat na ang awiting ito ay sakto para sa summer, pero hindi lang ‘yan. 

Ang awiting ni Nadj ay inspired sa pagdedeklara na sa wakas, lahat tayo ay masasabing nakalaya sa nakaraang pandemya, at dahil doon tayo’y nagpapasalamat at nagsasaya.

Marami nang napaiindak sa awiting ito, mula sa mga manonood kapag ito’y kinakanta ni Nadj, hanggang sa mga DJ ng Barangay LS at kilalang personalities.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkaroon pa ng dance step ang awiting ito! Dahil dito ay nagiging matunog at nakikilala na ang awiting ito sa lahat ng social media platforms lalo na sa Facebook at Tiktok.

Si Nadj ay unang nakilala sa mga awiting panghugot gaya ng Sabihin, Hanggang Kailan, at Luha na naging Most Wanted Songs ng Barangay LS 97.1.

Lalong nag-umigting ang pagkilala sa kanya nang nailabas niya ang awiting Akay na dahan- dahang bumabalik sa kanyang Alternative Rock genre.

Kung kaya’t dito sa Laya, all-out rakrakan na ito at naisip ni Nadj na napapanahon na rin para magbigay ng lubos na kasiyahan sa pamamagitan ng pag-indak at pagbahagi ng good vibes sa mga nakikinig.

Sa gitna ng mga sakuna at pagsubok sa ating buhay, nais ni Nadj na magbigay ng pag-asa at saya sa kanyang mga tagahanga.

Si Nadj ay nanggaling sa pagbabanda, ang Silangan (na kilala noon sa kanyang homebase sa Antipolo), at Treadstone na naging Metro Manila Champion ng Red Horse Muziklaban 2006.

Ang mga Pinoy Rock Icons na sina Bamboo Manalac, Rico Blanco, at Ney Dimaculangan ang masasabing influences ngayon ni Nadj sa pagbuo ng kanyang mga kanta.

Available for streaming and download on Spotify, Apple Music, YouTube Music & digital Music Platforms worldwide ang awitin ni Nadj. Maaari na ring i-request ang kanta sa Barangay LS 97.1 Forever!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …