Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lito Lapid

‘Supremo’ humataw sa final SWS senatorial survey

NAMAYAGPAG si Supremo Sen. Lito Lapid sa bagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na ginawa noong 2-6 Mayo o ilang araw bago ang halalan sa Lunes, 12 Mayo.

Sa survey, pumuwesto si Lapid sa Rank 4-5 at mayroon siyang voter preference na 34%.

Pinangunahan ang survey ng kasamahan ni Lapid sa ‘Alyansa’ na si ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo nang makapagtala ng 45% preference rating habang anim pa sa koalisyon ng administrasyon ang pasok din sa Magic 12 at ito’y sina dating Senate President Tito Sotto, Sen. Ping Lacson, Makati City Mayor Abby Binay, Deputy Speaker Camille Villar, Sen. Pia Cayetano, at Sen. Bong Revilla.

Hindi naman nalalayo sa winning circle si dating Interior and Local Government Sec. Benhur Abalos.

Sa kanyang maikling mensahe, nagpasalamat ang Supremo sa mga mamamayan na patuloy na nagtitiwala at nagmamahal sa kanya.

“Natutuwa po ako at nagpapasalamat unang-una sa ating mahal na Panginoon at sa ating mga kababayan sa buong bansa na nagbigay sa akin ng kompiyansa para magsilbi sa inyo. Sa patuloy po ninyong suporta at pagmamahal sa akin, ‘yan po ay susuklian ko rin ng pagmamahal, malinis at tapat na pagseserbisyo sa kanila, lalong-lalo na po ang mahihirap na kababayan natin,” aniya.

Ang SWS senatorial survey ay sinalihan ng 1,800 rehistradong botante sa buong bansa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …