Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bagong Pag-asa sa Bagong Balayan, dinagsa!
Miting de Avance Dinagsa

EMOSYONAL na nagtapos ang miting de avance ng Team Bagong Balayan sa pangunguna ni mayoralty candidate Lisa Ermita, Sabado ng hapon, Mayo 10, 2025, sa covered court ng Barangay 8, Balayan, Batangas.

Dinagsa ng mga tagasuporta, residente, at mga opisyal ng barangay ang nasabing huling pulong bilang pagtatapos ng campaign period. Personal na nagpasalamat si Ermita sa kaniyang mga ka-partido at sa minamahal niyang mga tagasuporta sa patuloy na paniniwala sa adhikain ng Team Bagong Balayan para sa isang Bagong Pag-asa.

Kaugnay nito, muling inilatag ni Ermita ang kanyang mga plano para sa isang matiwasay, malinis, at maunlad na Balayan, na kilala noon bilang isang first-class municipality sa probinsya ng Batangas.

Ayon kay Ermita, ang Balayan—na minsang nagsilbing kauna-unahang kabisera ng Batangas—ay tila napag-iwanan na sa usapin ng pag-unlad kung ihahambing sa mga karatig-bayan.

Sa isang panayam, inilahad ni Ermita na prayoridad ng kanilang grupo ang pagbibigay ng de-kalidad na basic at social services para sa mga Balayeño, lalo na sa mga kabataan, estudyante, kababaihan, PWDs, senior citizens, at ang pagtataguyod ng kabuhayan at katiwasayan sa pamumuhay.

Katuwang niya sa adhikaing ito si vice mayoralty candidate Rita Abiad at ang buong Team Bagong Balayan, na aniya’y magpapalakas sa tagumpay ng kanilang mga programa.

Sa naturang miting de avance, ipinagtanggol ng mga kaalyado ni Ermita ang kandidatong binabato ng batikos sa social media, kabilang ang isyung hindi umano siya tunay na taga-Balayan—isang paratang na mariing pinabulaanan ng buong partido.

Hindi naman nagpahayag ng matinding reaksiyon si Ermita sa mga paninira. Aniya, hindi na niya pinapansin ang mga ito dahil wala namang katotohanan.

“Honestly, I don’t react. Anak po ako ng tatay ko. Nalilimutan rin po ng tao ang mga paninira nila. Kaya never po akong nag-react. Nakakatawa nga po ang huli nilang sinabi—na veneers daw po ang ngipin ko at nagpa-braces ako. Kami po ay anak ng military. Libre po ang dental noon. Tinanggal lang po ang sungki ko at nag-retainers ako. Libre po iyon!” maikling tugon ni Ermita habang nakangiti sa media.

Si Lisa Ermita ay anak ni dating Executive Secretary at retired General Eduardo Ermita, isang kilalang personalidad na minsang tumimon ng kaunlaran sa Balayan bilang 1st District Congressman ng Batangas mula 1992 hanggang 2001.

Ayon sa impormasyon, binubuo ang Balayan ng 48 barangay. Ilan sa mga barangay kapitan at opisyal mula sa malalaking barangay ay nagpahayag ng suporta sa Team Bagong Balayan.

“I just want them to know that I am very decided to serve the people of Balayan. Alam ko pong uhaw sila sa tunay at tamang serbisyo. Isa po iyan sa aayusin natin—transparency sa lahat ng programa, proyekto, at ang matinding laban sa korapsyon dito sa Balayan,” dagdag pa ni Ermita.

Bago tuluyang magtapos ang programa, pinaalalahanan ng buong partido ang mga mamamayan na maging mapagmatyag sa bisperas at sa mismong araw ng halalan. Huwag umano silang matakot, dahil nalalapit na ang tunay na pagbabagong hatid ng Team Bagong Balayan.

“Ipadarama po natin sa mga kababayan natin dito sa Balayan ang kalinga at malasakit sa bawat isa!” ani Ermita bilang pangwakas.

Naging mas emosyonal pa ang pagtatapos ng aktibidad nang patugtugin ang kantang “Magkaisa”. Sabay-sabay na umawit at iwinagayway ng mga dumalo ang kanilang mga kamay—hudyat ng pagkakaisa at pagtatapos ng kampanya para sa National and Local Elections 2025. (Ulat ni Brian B.)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …