Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Makati Taguig

Taguig ‘di tinanggihan naudlot na P200-B Makati subway project — Cayetano

BINIGYANG-LINAW ni Senador Alan Peter Cayetano na kailanman ay hindi tinanggihan ng pamunuan ng Taguig City ang iniatras na P200 bilyong pisong Makati City  subway project.

Ayon kay Cayetano, sa kanyang pagtatanong sa lungsod sa ilalim ng liderato ng kanyang asawang si Taguig Mayor Lani Cayetano, kailanman ay hindi kinunsulta ang lungsod sa nabanggit na proyekto.

“To clarify, I checked with city officials and there has never been a dispute from the side of Taguig. The City of Taguig never rejected the project; in fact, we (the City, and even my Senate office) were never formally consulted about it to begin with,” ani Cayetano sa isang panayam.

Nalulungkot si Cayetano na hindi na matutuloy pa ang naturang proyekto dahil umatras ang proponent nitong kontratista.

Ganoon pa man agad inilinaw ni Cayetano na bukas ang lungsod ng Taguig sa anomang uri ng proyekto na makapagbibigay ng dagdag at mas maayos na serbisyo sa mga mamamayan lao sa sektor ng transportasyon.

“Records show that the officials of Taguig and the Cayetano’s do not look at the proponents of projects, but rather the benefits that it brings to the public. Initiatives like railways and subways that improve mobility and quality of life of the people are aligned with our vision for development. We remain committed to supporting inclusive and lawful progress, and we welcome meaningful collaboration moving forward,” dagdag ni Cayetano.

Magugunitang sa proyekto ng Makati Subway, ilang bahagi ng barangay ang napunta sa Taguig dahil sa desisyon ng Korte Suprema. Kalakip nito at kasama lalo ang daraanan at ilang estasyon. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

SM MSMEs Wall of Champions

SM Supermalls Unveils the 2025 Wall of Champions, Honoring Filipino MSMEs

2025 MSME Awardees and finalists gather at the SM for MSMEs Wall of Champions, joined …

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Krystall herbal products

42-anyos BPO employee “open secret” paggamit ng Krystall Herbal Products sa kanyang co-workers

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                 Isang magandang …