Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
PAMILYA KO Partylist Atty Anel Diaz

PAMILYA KO PARTYLIST TANGGAP MAGIGING RESULTA NG HALALAN
Pananatiling pasok sa survey ipinagpasalamat

HANDA ang Pamilya ko Partylist sa magiging resulta ng halalan sa 12 Mayo 2025.

Ito ang tahasang sinabi ni Atty. Anel Diaz, 1st nominee ng partylist, sa pananatiling pasok sila sa survey pero noong simula ay wala sila sa winning circle.

Ayon kay Diaz, lubha silang nagpapasalamat sa grupo dahil nakikita ng tao ang kanilang pagsisikap at nauunawaan ng taong bayan ang kanilang nais na isulong ang programa para sa pamilyang Filipino.

“Hindi tayo dapat maging complacent kundi lalo tayong maging pursigido sa pangangampanya, kumbaga papasok na tayo sa last two minutes, saka na tayo magpahinga after May 12,” pahayag ni Diaz sa isang panayam.

Aminado si Diaz na habang papalapit na ang halalan ay lalong nadadagdagan ang pressure at ang 12 Mayo ang magiging graduation nilang mga kandidato kung aani ng tagumpay o kabiguan.

Bagamat maraming lokal na partylist hindi sumusuko ang Pamilya Ko Partylist na manuyo ng bawat mamamayan at ang pinakahuli nga ay sa Dasmariñas, Cavite.

Sa kasalukuyan, halos nakaikot na rin sila sa iba’t ibang lugar sa Luzon, Visayas, at Mindanao ngunit kanilang wawakasan ang kampanya sa 9 Mayo sa Pandi, Bulacan upang ganapin ang kanilang grand rally.

Nagpasalamat din ang PKP sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga lokal na opisyal ng mga napuntahan nilang mga bayan at lungsod sa iba’t ibang rehiyon bagama’t hindi nila inaasahan na makukuha ang buong suporta ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan lalo’t may mga regional partylist na tumatakbo sa kani-kanilang lugar.

“Ang mahalaga sa amin, they keep it on open playing field, kung baga, hindi naman po kami pinapahirapan, they welcome us at pinapayagan kaming mangampanya at ipahayag sa mga tao ang aming plataporma, para sa amin, malaking bagay na po iyon,” ang nasisiyahang pahayag ni Atty Diaz. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …