Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Win Gatchalian

Gatchalian: DILG hinimok bumuo ng local literacy councils para sa mas epektibong literacy programs

NANAWAGAN si Senador Win Gatchalian sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na atasan ang local government units (LGUs) na magtatag ng mga lokal na literacy coordinating councils para sa pagpapatupad ng mga epektibong programa sa literacy o kakayahang magbasa, sumulat, at magbilang.

Binigyang-diin ng mambabatas ang mahalagang papel ng mga LGU sa paglaban sa illiteracy, tulad aniya ang pagsasagawa ng house-to-house na pagsusuri upang matukoy ang mga out-of-school individuals na nananatiling functionally illiterate.

Sa ginanap na pagdinig sa Senado kaugnay ng 2024 Functional Literacy, Education, and Mass Media Survey (FLEMMS), nagbabala ang senador na mahigit 18 milyong Filipino ang nananatiling functionally illiterate, kahit na nakatapos ng basic education.

Ang datos ay mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) na sinuri ng opisina ng mambabatas, na nagsasabing 18.96 milyong Filipino pa rin ang hindi marunong bumasa, sumulat, magkuwenta, at umunawa.

“Hindi dapat ito mangyari. Ang pinakapayak na layunin ng basic education ay gawing functionally literate ang mga Filipino. Hindi puwedeng palampasin ang isang mag-aaral na magtatapos sa basic education ay hindi pa rin functionally literate, pero iyon ang realidad ngayon,” ani Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Basic Education. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …