Thursday , May 15 2025
police PNP Pandi Bulacan

Mister patay sa pamamaril ng estranghero

NAMATAY habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa bayan ng Pandi, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes ng gabi, 21 Abril.

Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Rey Apolonio, hepe ng Pandi MPS, isinumbong ang insidente ng pamamaril sa kanilang tanggapan dakong 8:30 ng gabi kamakalawa sa P4 B11 L23 Pandi Residence 3, Brgy. Mapulang Lupa, sa naturang bayan.

Kinilala ang biktima na si Lorenzo Ofalsa, 39 anyos, samantala, inilarawan ang suspek na nakasuot ng asul na helmet, bonet, asul na hoodie jacket, maong na short, nakatsinelas at sling bag na tumakas matapos isagawa ang krimen papunta sa direksiyon ng Phase 1 ng nasabing resettlement area.

Mabilis na isinugod sa Rogaciano Mercado Memorial Hospital, sa bayan ng Sta. Maria ang biktima ngunit ayon sa kaniyang asawa ay binawian ng buhay dakong 10:50 ng gabi dahil sa matinding tama ng bala sa mukha.

Kasalukuyang nagasasagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Pandi MPS upang mahanap at matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek sa krimen na sinasabing estranghero sa lugar. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon hindi na iiyak sa pagkapanalo ni Kiko 

I-FLEXni Jun Nardo IT’S all over but the shouting! May nanalo na at may natalo …

VMX Karen Lopez

Vivamax star, BF missing mula noong 5 Mayo

HUMINGI ng tulong sa Quezon City Police District (QCPD) ang ina ng Vivamax star na …

DOST 2 ISU-BIRDC

Driving Digital Transformation: DOST 2, ISU-BIRDC Strengthen SETUP MSMEs Through Digital Skills

THE Department of Science and Technology (DOST) Region 02, in collaboration with Isabela State University …

DOST Starbooks FEAT

DOST Region 1 Turns Over STARBOOKS to 5 Underserved Schools in Ceremonial Event

SUDIPEN, LA UNION – The Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region 1), …

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …