Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng Commission on Higher Education (CHED) at ng Professional Regulation Commission (PRC), na itinatakda sa Setyembre ngayong taon ang pagpapatupad ng mga specialized licensure examinations batay sa mga teacher education programs.

Para kay Gatchalian, mahalagang hakbang ito upang matiyak na sinasalamin ng proseso ng licensure ang mga specialization o mga pinag-aralan ng mga nag-aasam na maging guro.

Titiyakin din ng naturang kasunduan ang ugnayan sa pagitan ng teacher education curriculum sa Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT).

Noong 18th Congress, isinulong ni Gatchalian ang pagsasabatas sa Excellence in Teacher Education Act (Republic Act No. 11713), na pinapatatag ang Teacher Education Council (TEC).

Pinapalakas din ng naturang batas ang ugnayan sa pagitan ng Department of Education (DepEd), CHED, at PRC upang iangat ang kalidad ng teacher education sa bansa.

Binigyang diin ng Year Two Report ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) ang pangangailangan para sa ganap na pagpapatupad ng batas upang magampanan ng TEC ang mandato nito.

Una nang pinuna ng komisyon na dahil hindi nagkakatugma ang teacher education curricula at nilalaman ng mga exam, nananatiling mababa ang porsiyento ng mga nakapapasa sa LEPT.

Iniulat ng EDCOM na mula 2009 hanggang 2023, umabot lamang sa 33% ang average ng nakapasa sa LEPT para sa elementary, at 40% naman para sa secondary.

Ayon sa komisyon, 62% ng mga high school teachers ang nagtuturo ng mga subject na hindi angkop sa pinag-aralan nila noong kolehiyo.

“Kailangang suriin natin ang kakayahan ng ating mga guro batay sa kung ano ang pinag-aralan nila sa kolehiyo. Sa pagpapatupad natin ng mga specialized licensure examination, matitiyak natin ang ugnayan sa pagitan ng edukasyon ng ating mga guro at sa proseso ng licensure,” ani Gatchalian, EDCOM II Co-Chairperson.  (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …