Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dead body, feet

Bangkay ng scavenger natagpuan sa hukay ng DPWH sa Pasay City

WALANG BUHAY nang matagpuan ang isang lalaki sa isang hukay ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na bahagi ng flood control project sa kanto ng Andrews Avenue at Domestic Road sa Pasay City kamakalawa.

Positibong kinilala ang biktima na si Dante Alvarez y Villamor, 50 anyos, kilalang scavenger ngunit walang permanenteng address.

Batay sa inisyal na impormasyon, habang nagsasagawa ng foot patrol ang mga pulis kasama ang barangay tanod nakarinig sila ng pagsabog sa lugar.

Pagdating nila sa lugar para siyasatin ang pagsabog na nagmula sa flood control project ng DPWH napansin nila ang sinunog na mga wire ng koryente.

Natuklasan ang isang katawan ng tao na nakahiga sa isang kanal na puno ng tubig. Hinihinalang nakoryente ang biktima. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …