Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
TRABAHO Partylist, pinarangalan mga manggagawang Filipino sa dakilang Araw ng Kagitingan

TRABAHO Partylist, pinarangalan mga manggagawang Filipino sa dakilang Araw ng Kagitingan

SA PAGGUNITA ng Araw ng Kagitingan, nagbigay-pugay ang TRABAHO Partylist sa katatagan at kabayanihan ng mga manggagawang Filipino, na inihalintulad sa sakripisyo ng mga beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at sa araw-araw na pakikibaka ng mga manggagawa sa kasalukuyan.

“Ang diwa ng Araw ng Kagitingan ay patuloy na isinasabuhay ng ating mga manggagawa, ang ating mga makabagong bayani, na sa kabila ng hirap sa buhay ay patuloy na itinataguyod ang kaunlaran ng bansa,” pahayag ni Atty. Mitchell-David L. Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO Partylist.

Muling pinagtibay ng TRABAHO Partylist ang kanilang adbokasiya para sa inklusibo at sustenableng oportunidad sa trabaho. Ayon sa grupo, ang tunay na kagitingan sa kasalukuyan ay ang pakikipaglaban para sa isang kinabukasang may dignidad at makabuluhang hanapbuhay para sa lahat ng mga Filipino.

Itinatag ang TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, sa prinsipyo ng pagpapabuti ng kalagayan ng mga manggagawa at pagsusulong ng tunay na pagkakapantay-pantay. Ilan sa mga pangunahing repormang itinutulak ng grupo ay ang pagpapatupad ng makatarungang sahod, mas maayos na kondisyon sa trabaho, dagdag na suporta sa maliliit na negosyo, at pinalawak na access sa mga programa para sa pagsasanay at kaalaman. Bukas rin ang grupo sa pagtalakay ng mga makabagong polisiyang tulad ng Universal Basic Income upang tugunan ang tinatawag na “in-work poverty”.

“Habang ginugunita natin ang kabayanihan ng ating mga ninuno, sama-sama rin tayong mangako sa pagtataguyod ng isang lipunang walang naiiwan, isang lipunan na ang bawat manggagawa ay may dignidad, proteksiyon, at kapangyarihang umunlad,” pagtatapos ni Atty. Espiritu.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …