Tuesday , May 13 2025
Shamcey Supsup-Lee

Shamcey Supsup-Lee top 4 sa survey ng konseho sa Pasig City

NAKOPO ni Shamcey Supsup-Lee, independenteng kandidato para sa konseho ng Lungsod ng Pasig, ang ika-apat na puwesto mula sa 15 kandidato sa unang distrito ng lungsod, batay sa survey ng PasigPH na isinagawa sa mga rehistradong botante.

Isinagawa ng PasigPH chapter ng Phil TechDev Transparency Survey,  na may SWS trust survey approval, ang kanilang research at interbyu mula noong 1-31 Marso ng kasalukuyang taon.

Sa pananaw ng tagasuri, lalong titingkad ang kandidatura ni Shamcey Lee nang manindigan at  kumalas ito sa lokal na partido na KAYA THIS makaraang magbitaw ng misogynistic remark si Ian Sia, lone congressional candidate ng lungsod, noong 28 Marso.

Ayon kay Shamcey-Lee,  pinili kong manindigan nang matatag sa mga pagpapahalagang pinanghawakan ko sa buong buhay ko – dignidad, respeto, pananagutan, at pagpapaangat sa kababaihan.

“Sa puntong ito, naniniwala akong ang pinakamainam na paraan upang manatiling tapat sa mga prinsipyong ito ay ang isang hakbang na pag-atras, magnilay, at makinig upang bigyang-daan ang kaliwanagan bago gawin ang susunod na mga hakbang,” saad pa ni Lee.

Sinabi ni Shamcey Lee, sa  pagpapatuloy ng  kanyang kandidatura at kampanya sa susunod na araw ay walang balakid na hahadlang sa kanyang paninindigan na puspusang ipaglaban ang pangunahing interes ng batayang sektor lalo na ang kapakanan ng mga kababaihan.

Tinatayang 15 milyon ang bilang ng solo parents sa Filipinas, na 95% ay kababaihan, ayon sa World Health Organization (WHO).

Patuloy na dumaranas ng suliraning pang-ekonomiya ang mga solo parent, karamihan sa kanila ay nahihirapan  pagsabay-sabayin  ang trabaho, pagpapalaki ng anak, at mga gawaing bahay, saad ni Shamcey Lee.

Mababatid na si Shamcey Supsup-Lee ay may karanasan sa pangangasiwa ng Miss Universe Philippines Organization.

“Ang adbokasiya ko sa women empowerment ay ipaninindigan ko sa buong buhay,” saad ni Lee.

Ipinaalala ni Lee, ang mga mahahalal na mambabatas sa lokal at nasyonal ay tungkulin na isagawa nito na paglingkuran ang sambayanan.

Si Shamcey Supsup Lee ay naging salutatorian sa elmentarya at high school sa pampublikong paaralan.

Isang beauty pageant title holder si Shamcey Gurrea Supsup-Lee nang koronahan siya bilang Binibining Pilipinas Universe 2011.

Naging representante siya sa Miss Universe 2011 pageant na ginanap sa Brazil at nasungkit niya ang pagiging 3rd Runner-Up.

Nagtapos si Shamcey ng kursong Arkitektura sa University of the Philippines. Tumanggap siya ng akademikong karangalan bilang Magna Cum Laude.

Nakamit ni Shamcey Lee ang pagiging board topnotcher sa ginanap na Architecture Licensure Exam noong 2010.

About hataw tabloid

Check Also

P7.5-M imported shabu nasabat sa Port of Clark

P7.5-M imported shabu nasabat sa Port of Clark

TINATAYANG 1.112 kilo ng imported na methamphetamine hydrochloride (shabu) na nagkakahalaga ng P7,561,000 ang nasabat …

liquor ban

33 katao sa central luzon dinakma sa liquor ban

HALOS 33 katao ang naaresto sa magkakahiwalay na insidente sa mga lalawigan ng Nueva Ecija, …

Bustos Bulacan

Nagpakilalang taga-media at Comelec
Headquarters ng kandidatong VM pinasok ng armadong kalalakihan 

NAHINTAKUTAN ang ilang residente na nasasakupan ng isang barangay matapos pasukin ng mga armadong kalalakihan …

Gerville Jinky Bitrics Luistro Noel Bitrics Luistro

Congresswoman Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, former mayor Noel “Bitrics” Luistro magkasabay na bumoto

MAGKASABAY na nagtungo sina Batangas District 2 congresswoman Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro at si …

GMA Election 2025

Pinakamalaki, komprehensibo, pinagkakatiwalaan hatid ng Eleksiyon 2025: 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA pamamagitan ng Eleksyon 2025: The GMA Integrated News Coverage, asahan na …