Friday , April 18 2025
Dead Road Accident

Kotse bumangga sa concrete barrier, principal DoA sa hospital

BINAWIAN ng buhay ang isang 46-anyos na principal nang bumangga ang sinasakyang kotse sa isang concrete barrer as Abuyog-Silago Road, sa bahagi ng Brgy. Nebga, bayan ng Abuyog, lalawigan ng Leyte, nitong Miyerkoles, 9 Abril.

Ayon sa imbestigasyon, sakay ang biktima ng kotseng minamaneho ng driver na kinilalang si alyas Jiboy, 52 anyos, isang magsasaka, at residente ng Brgy. Canipaan, Hinunangan, Southern Leyte.

Nawalan ng kontrol si Jiboy sa kaniyang minamanehong sasakyan at nalipat sa kabilang linya kung saan sila bumangga sa isang concrete barrier.

Sugatan ang driver, ang principal na kinilalang si Marie, at isang 13-anyos na batang lalaki.

Dinala silang tatlo sa pagamutan sa Abuyo kung saan idineklarang wala nang buhay ang principal.

Nabatid na nagmula sa Hinunangan, Southern Leyte patungon lungsod ng Tacloban ang mga biktima nang maganap ang aksidente.

About hataw tabloid

Check Also

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Philippine Aquatics Inc PAI Water Polo

PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt

ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) …

PVL Rookie Draft 2025

Matapos ang Makapigil-hiningang Finals, PVL tumutok sa Rookie Draft Mode

KAMAKAILAN lang mula sa kapana-panabik na pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals …

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …