Tuesday , July 29 2025
BIR Estate Tax Amilyar

Sa bentahan ng kanilang propriedad
Pasay mayoral candidate, 1 pang kandidato hinahabol ng BIR

HINAHABOL ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sina Pasay mayoral candidate, councilor Editha Manguerra at kandidatong konsehal Yok Tin Tan So, na sinabing nabigong magbayad ng tamang buwis sa naganap na bentahan ng isa sa mga propriedad sa ilalim ng kanilang real estate company.

Batay sa dokumentong nakuha, nagpadala ng  liham (notice to reply) ang BIR Region No. 88 – South NCR Revenue District Office No. 051 -Pasay City, may petsang 31 Enero 2025 para kina Manguerra at So matapos humiling sa ahensiya na magpalabas ng electronic-Certificate Authorizing Registration (e-CAR) sa ilalim ng OTS-0088-051-0125-06832, OTS-0088-051-0125-06833, at OTS-0088-051-0125-06833 na bahagi ng isang deed of absolute sale na hinawakan ni revenue officer C. Nofies.

Ayon kay Revenue District Officer Mary Ann V. Canare, lumalabas sa kanilang record na si Manguerra ang nag-iisang may-ari ng SYT Apartment at VTSO Builders na pasok sa negosyo ng real estate.

Samantala, hinahabol naman si So dahil siya  ay may kaugnayan sa Wowee Market.

Ayon sa BIR, matapos maibenta ang naturang property, maituturing itong isang investment at bahagi ng kanilang ari-arian kung kaya’t nakapaloob sa expanded-withholding tax.

Ipinag-utos ng BIR sa dalawa na magpalabas ng kopya ng sales invoice (SI) sa buyer batay sa gross selling price na inoobliga ng Section 4. 106-4 sa ilalim ng Revenue Regulation 16-2005 kaugnay ng Section 264.

Iginiit ni Canare ang kabiguang magkaloob ng resibo o sales o commercial invoices ay maliwanag na paglabag sa pag-iimprenta ng resibo o invoices at iba pang paglabag ng NIRC 1997 matapos na ito ay maamyendahan.

Binigyang-linaw ni Canare, bagamat hindi kondisyon bilang precedent ang VAT ay binibigyan sina Manguerra at So ng limang araw para magsumite ng mga dokumentong hinihingi ng BIR.

Nanindigan si Canare, sa sandaling mabigong maisumite ay hindi nila ipoproseso ang hinihinging e-CAR.

Itinuturing ng BIR na non-compliant ang mga naturang estbalisimiyento hanggang hindi sumusunod sa iniaatas ng batas.

Tahimik ang kampo nina Manguerra at So sa nasabing usapin. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

PNP Nicolas Torre III Baste Duterte

C/PNP Torre excited sa charity boxing vs Baste Duterte

BUONG TIKAS na sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Nicolas Torre III na …

072625 Hataw Frontpage

Kahit sinong voter o taxpayer maaaring kumuwestiyon
4TH TERM SA KAMARA NG MISIS NI SPEAKER ROMUALDEZ DELIKADONG ‘PRECEDENT’ – ATTY. MACALINTAL

HATAW News Team HINDI lamang political opponents, kundi kahit sinong registered voter o taxpayer ay …

Jose Antonio Ejercito Goitia Liza Araneta Marcos

GOITIA BINANATAN ONLINE BLOG NA IDINADAWIT SI FIRST LADY
“Trahedya ‘wag gamitin bilang sandata sa politika.”

MARIING kinondena ni Dr. Jose Antonio Goitia, Chairman Emeritus ng apat na kilalang civic organizations, …

AFAD

Association of Firearms and Ammunition Dealers of the Philippines, Inc.
AFAD kaagapay ang gobyerno sa responsableng pagmamay-ari ng baril, Suporta sa Philippine shooting team

ASAHAN ang mas masigla at progresibong industriya ng baril sa hinaharap dahil  sa suporta ng …

Online Betting Gambling

Bans don’t work: Like liquor, gambling won’t disappear even if prohibited

As calls to ban online gambling grow louder, longtime liquor retailers are reminding policymakers of …