INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko Partylist na pinangungunahan ni first nominee Atty. Anel Diaz.
Ayon kina Ocsan at Ejercito, naniniwala silang matutulungan sila ng Partylist nina Diaz upang ipagtanggol at mapangalagaan ang kapakanan ng bawat miyembro ng sektor ng lipunan.
Tinukoy ni Ejercito na bilang bahagi ng isang hindi maayos na pamilya o isang illegitimate child ay lubhang nagiging unfair ang pagtrato sa kanya.
Naniniwala si Ejercito na sa sandaling manalo ang naturang partylist ay tiyak na maisusulong nito ang pag-amyenda sa ating tintawag na Family Code na dapat ay magtamasa ng pare-parehong karapatan ang bawat anak ng isang pumanaw sa kanyang mga ari-arian.
Sinabi ni Ocsan, bilang isang single mother naniniwala siyang maraming mga uri ng kabuhayan ang maaaring itulong at isulong ng Pamilya Partylist.
Dahil dito tiniyak nina Ocsan at Ejercito na kanilang ikakampanya sa lungsod ng Maynila at mga kakilala ang Pamilya ko Partylist.
Lubos ang pasasalamat ni Diaz sa tiwalang ipinagkakaloob sa kanya ng dalawa at sa mainit na pagtanggap ng mga Manileño sa Pamilya Ko Partylist.
Siniguro ni Diaz sa lahat na titiyakin nila ang pagsusulong ng pagkapantay sa karapatan ng mga anak, lehitimo man o hindi at tiyaking maipatupad ang benepisyong makukuha ng mga solo parents at nais niyang gawin itong nasyonal o hindi galing ang benepisyo sa local government unit (LGUs).
Aniya, hindi ito patas sa mga solo parent na naninirahan sa isang hindi asensadong LGU dahil hindi nila makukuha ang tamang benepisyong isinasaad ng Expanded Solo Parent Act. (Niño Aclan)