NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na mga problema ng ating bansa.
Ayon kay Revilla, nawa ang pagkawatak-watak ng ating bansa ay mapalitan ng isang pagmamahalan.
Iginiit ni Revilla na hindi dapat nagkakaroon ng pag-aaway kundi magmahalan sana ang bawat isa.
Hindi naitago ni Revilla ang tuwa at pagpapasalamat sa bawat mamamayang Filipino dahil sa patuloy na mainit na pagtanggap sa kanya saan man siyang panig ng Filipinas magtungo.
Nanawagan si Revilla sa lahat na ipagdasal silang mga kumakandidato na nawa’y maging ligtas lalo na ngayon na sobrang init ng panahon.
Tiniyak ni Revilla, sa kanyang pagbabalik sa senado ay kanyang isusulong ang pag-amyenda sa senior citizen law sa kanyang panukala na imbes 60 antos magsimula ang pagiging senior ay gawin itong 56 anyos.
Kaugnay nito, nanawagan si Revilla sa lahat na mga may nanay at lola na nasa 80, 85, 90, at 95 anyos na magtungo sa mga tanggapan ng mga senior citizen o OSCA upang mapakinabangan ang Centenarian Law na si Revilla ang pangunahing may-akda. (NIÑO ACLAN)