Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Korona at Pako tampok sa SM Center Pulilan ngayong Kuwaresma

“Korona at Pako” tampok sa SM Center Pulilan ngayong Kuwaresma

NGAYONG Semana Santa, ang Hermandad de la Ascension del Señor ng Parokya ng Pag-akyat sa Langit ni Hesukristo, sa Sto. Cristo, Pulilan, sa pakikipagtulungan ng SM Center Pulilan, ay naglunsad ng exhibit na pinamagatang “Korona at Pako” bilang tanda ng Kuwaresma sa Bulacan.

Ipinakita sa SM Center Pulilan Mall Atrium, ang “Korona at Pako” Lenten Exhibit, ay sumasalamin sa pananampalataya at tradisyon na nagpapakita ng kasiningan at simbolismo sa pamamagitan ng espirituwal na paggising.

Tampok sa exhibit ang hindi bababa sa 61 Catholic images na nagmumula sa iba’t ibang bayan sa Bulacan at inaasahang makaaakit ng mga deboto mula sa loob at labas ng probinsiya.

Ang “Korona at Pako” Lenten Exhibit ay nag-aanyaya sa mga mallgoer sa isang espirituwal na paglalakbay habang isinusulong ang katekismo sa mga parokyano.

Naaalala nito ang mga makabuluhang eksena na humahantong sa pagpapako sa krus at muling pagkabuhay ni Hesukristo, gayondin si Maria, ang Banal na Ina ng Diyos, ang kanyang mga disipulo, apostol, at ilang kahanga-hangang mga santo. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …