NAGSAGAWA ng kortesiyang pagbisita si ACT-CIS Partylist Representative Erwin Tulfo sa mga opisyal ng Las Piñas City na mainit na tinanggap nina Mayor Imelda Aguilar at Vice Mayor April Aguilar nitong 18 Pebrero.
Ang pagbisita ay sumasalamin sa matagal at magandang relasyon sa pagitan ni Congressman Tulfo at ng pamilya Aguilar gayundin ang patuloy na pangakong suporta sa mga mamamayan ng Las Pin̈as.
Binigyang-importansiya ni Vice Mayor April Aguilar ang malalim na nag-uugnay kay Cong. Tulfo at sa pamilya Aguilar.
Sa pagbabalik-tanaw ni Vice Mayor April Aguilar simula pa noong panahon ng kanyang namayapang ama na si dating Mayor Nene Aguilar, ikinonsidera nitong mapagkakatiwalaang kapanalig si Tulfo noong reporter pa ng Manila Times.
Buong-pusong pinasalamatan ng bise-alkalde si Tulfo sa hindi matatawaran nitong suporta sa maraming taon lalo na noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic na nagbigay ng lubos na tulong sa Las Pin̈as.
Binigyang-diin kung paano trinato si Tulfo bilang parte ng kanilang pamilya dahil sa patuloy niyang suporta sa kanilang adhikain ni Mayor Mel Aguilar sa pagseserbisyo publiko.
Inalala ni Rep. Tulfo ang pagkakaibigan nila ni dating Mayor Nene Aguilar na nagsimula pa noong 1990s at ang kanyang pamalagiang paggalang para sa pamilya Aguilar.
Pinuri ng kongresista ang legasiya ng serbisyong naiwan ni Mayor Nene na naghatid ng positibong epekto sa Las Pin̈as at ang patuloy na tiwala ng komunidad sa liderato ng Aguilar.
“Tunay sa kanyang adbokasiya na Kakampi ng inaapi,” pahayag ni Tulfo sa muling pangakong matibay na suporta sa pamilya Aguilar at sa mga mamamayan ng Las Pin̈as.
Isang motorcade sa Las Piñas ang isinagawa ng kongresista kasama si Alelee Aguilar, na nagsilbing oportunidad para sa mga namumuno na kumonekta sa mga residente at pagtuon ng pansin sa mga pinagsisikapang serbisyo publiko.
Naninindigan ang Pamahalaang Lungsod ng Las Pin̈as sa pagsusulong nito ng partnerships o pakikipagsosyo na magpapalakas ng serbisyo publiko at magtitiyak ng patuloy na pag-unlad ng komunidad. (EJ DREW)