Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Manny Pacquiao Star Digital Manila E-commerce Center

E-commerce at Digitalization game changer para sa negosyong Filipino — Pacquiao  

MULING lumalaban si Manny Pacquiao, ngunit sa pagkakataong ito, para sa pag-unlad ng e-commerce at digitalisasyon sa bansa.

Sa paglulunsad ng Star Digital at Manila E-commerce Center, binigyang-diin ng boxing legend at negosyante ang mahalagang papel ng e-commerce sa hinaharap ng negosyo, pag-unlad ng ekonomiya, at pagbibigay ng mas maraming oportunidad para sa mga negosyanteng Filipino.

“Binabago ng e-commerce ang laro. Hindi na ito opsiyon lamang — ito na ang kinabukasan ng negosyo,” ani Pacquiao.

“Sa buong mundo, ito ay nagdadala ng pag-unlad, lumilikha ng mga trabaho, at nagbubukas ng pinto para sa mga negosyante at brand upang magtagumpay. Naniniwala ako na may kakayahan ang Filipinas na maging sentro ng rebolusyong ito.”

Ipinakita sa event ang papel ng Star Digital Solutions, isang bagong digital marketing at e-commerce agency na naglalayong tulungan ang mga negosyo sa pamamagitan ng content creation, livestreaming, at iba pang digital solutions.

Kaakibat nito, ang Manila Ecommerce Center (MEC), isang 16-palapag na business hub ay idinisenyo upang bigyan ng matibay na pundasyon ang mga kompanyang nais magtagumpay sa digital space.

“Ang e-commerce ay hindi lang tungkol sa pagbebenta online. Ito ay tungkol sa paglikha ng oportunidad, pagpapalawak ng negosyo, at pagsulong ng ekonomiya,” dagdag ni Pacquiao.

“Ito ang dahilan kung bakit nandito ang Star Digital Solutions at Manila Ecommerce Center — upang bigyan ng tamang kasangkapan, estratehiya, at suporta ang mga negosyo upang magtagumpay sa industriyang ito.”

Bilang isang taong nagtagumpay mula sa kahirapan, binigyang-diin ni Pacquiao ang kahalagahan ng tamang platform at suporta upang umasenso.

“Alam ko kung paano magsimula mula sa wala. Alam ko ang pakiramdam nang lumaban para sa bawat oportunidad. At alam ko rin kung gaano kahalaga ang magkaroon ng tamang platform at tamang mga katuwang sa tagumpay,” aniya.

“Kung ikaw ay isang startup, isang matagal nang brand, o isang kompanyang gustong lumago — may paraan upang hindi lang makipagsabayan kundi manguna.”

Hinimok din niya ang mga negosyante na maging mas agresibo sa e-commerce, inihalintulad ito sa sport na nagbigay sa kanya ng kasikatan sa buong mundo.

“Ang e-commerce ay hindi para sa mga nag-aantay — ito ay para sa mga kumikilos. Tulad sa boksing, hindi ka mananalo sa kaiiwas lang. Nananalo ka kapag lumalaban ka pasulong,” pahayag niya.

Sa kanyang pangwakas na mensahe, muling iginiit ni Pacquiao ang kanyang suporta sa digitalisasyon at sa potensiyal nito na mapalakas ang mga negosyanteng Filipino.

“Sinusuportahan ko ang e-commerce at digitalization dahil ito ay nagbubukas ng oportunidad para sa mga negosyanteng Filipino. Ginagawa nitong mas mabilis, mas madali, at mas inklusibo ang pagnenegosyo. Dapat nating yakapin ang teknolohiya para makipagkompetensiya sa pandaigdigang merkado at bumuo ng mas matatag na ekonomiya para sa lahat.”

Sa paglulunsad ng Star Digital Solutions at Manila Ecommerce Center, inilalagay ni Pacquiao ang Filipinas sa mapa bilang isang pangunahing manlalaro sa pandaigdigang e-commerce industry. Habang patuloy na umuunlad ang mga negosyo sa pamamagitan ng inobasyon at digital transformation, malinaw ang kanyang mensahe — makiangkop, lumago, at magtagumpay sa digital economy. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …