Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lino Cayetano Alan Peter Cayetano

Direk Lino inamin ‘di nila pagkakaunawaan ni Sen Alan

I-FLEX
ni Jun Nardo

BALIK-POLITIKA ang director-producer na si Lino Cayetano na tatakbo bilang kongresista ng Taguig sa Mayo 2025.

Ayon kay direk Lino nang humarap sa media sa tulong ng mag-inang Roselle at Atty. Keith Monteverde, parang telenovela ang nangyayari sa kanya ngayon dahil ibang kandidato ang sinusuportahan ng kanyang kapatid na si Sen Allan Cayetano.

Nagulat si direk Lino nang dalawang beses siyang magbigay daan sa kagustuhan ng hipag niyang si Lani Cayetano na bumalik sa puwesto bilang mayor ng Taguig  noong 2022 at ngayong 2025.

Naniniwala ako sa magandang intensiyon naming pareho nina Mayor Lani at Kuya Allan. Pero may mga tao talagang may sariling interes na pilit kaming pinag-aaway.

“Kilala ako bilang independent minded sa magkakapatid at hindi basta-basta sumusunod. Pinag-aaralan ko ang bawat desisyon,” sabi ni direk Lino.

Of course, bukod sa politika eh kilala si direk Lino na naniniwala sa partnership gaya ng ginawa niya sa ABS-CBN, GMA, Viva at ngayon nga eh sa Regal sa pelikulang The Caretakers.

Saksi ako na kahit na ang magkakaribal na produksiyon ay nagsasama-sama para sa ikabubuti ng nakararami dahil ang ginagawa natin ay hindi para sa atin kundi para sa susunod na henerasyon,” paliwanag ni direk Lino na mahal na mahal pa rin ang industriya kahit nasa  mundo rin siya ng politika.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …