MATABIL
ni John Fontanilla
NAPAKAGANDA ng bagong awitin ng award winning RNB singer na si Luke Mejares entitled Dapit Hapon.
Ang Dapit Hapon ay mula sa komposisyon ni Eivan Manansala, produced and rrranged by Francis Guevarra under PolyEast Records.
Tiyak maiibigan ito ng mga Pinoy music lover, ang Dapit Hapon dahil maganda ang lyrics at melody nito, bukod pa sa magandang mensahe ng awit na talaga namang kukurot sa inyong puso.
Ang Dapit-Hapon ay out na sa lahat ng digital streaming platforms, at ang music video naman nito ay mapapanood na sa Youtube channel ng PolyEast Records.
Bukod sa bagong awitin ni Luke, busy din ito sa kanyang shows, katulad na lang sa February 20 (Thursday) ng 9:00 p.m. ay nasa Casino Filipino Ilocos Norte ito, free Admission.
At sa Casino Filipino Citystate sa Ermita, Manila sa February 28, Friday, ng 8:00 p.m..
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com