Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
House Fire

Sexagenarian patay sa sunog sa Gagalangin, Tondo, Maynila

HINDI nakaligtas ang isang 64-anyos na babae nang sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Gagalangin, Tondo, lungsod ng Maynila, nitong Sabado ng gabi, 8 Pebrero.

Natagpuang wala nang buhay ang biktima, na nabatid na natutulog nang magsimula ang sunog, sa loob ng kaniyang bahay sa Brgy. 182.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog dakong 11:27 ng gabi kamakalawa, at mabilis na itinaas sa ikalawang alarma dakong 11:32 ng gabi.

Mabilis na kumalat ang sunog sa mga kabahayan na karamihan ay gawa sa light materials, na naging pahirap sa mga residente upang lumikas at masagip ang kanilang mga kagamitan.

Nagawang makontrol ng mga bombero ang sunog matapos ang dalawang oras, dakong 1:29 ng madaling araw ng Linggo, 9 Pebrero.

Patuloy na nag-iimbestiga ang mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng sunog.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …