Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Laging late sa trabaho  
SEKYUNG ‘DI MARUNONG MAG-SORRY TIGOK SA BOGA NG KABARO

020525 Hataw Frontpage

PATAY ang isang security guard nang barilin ng kaniyang katrabahong guwardiya dahil sa madalas na pagdating nang huli sa trabaho, nitong Lunes, 3 Pebrero, sa lungsod ng Antipolo, lalawigan ng Rizal.

Sa kuha ng CCTV na narekober sa pinangyarihan ng krimen, makikita ang suspek na bumubunot ng baril at ilang beses na pinaputukan ang biktima na agad binawian ng buhay.

Ayon kay P/Lt. Col. Ryan Manongdo, hepe ng Antipolo CPS, nag-ugat ang insidente sa malimit na pagiging huli sa pagdating sa trabaho ng biktima.

Nabatid na 30 minutong late ang biktima kahapon na ikinagalit ng suspek na siyang kapalitan sa puwesto ng una.

Pahayag ng suspek, hindi ito ang unang beses na late ang biktima.

Imbes umano humingi ng pasensiya, nagalit pa ang biktima at pinagbantaan ang pamilya ng suspek na lalo niyang ikinagalit.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Antipolo CPS ang suspek na nahaharap ngayon ang sa kasong homicide.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …