ANG magnaCum Laude, architect at beauty queen na si Shamcey Supsup-Lee ay naghain ng kandidatura sa Pasig City bilang konsehal sa unang distrito ng lungsod.
Si Shamcey ay Binibining Pilipinas Universe noong 2011 at 3rd Runner-up sa Miss Universe, nagtapos ng arkitektura sa UP Diliman bilang Suma Cum Laude at Board Topnotcher.
Bago magsimula ang kampanyang lokal sa Marso, todo suporta ang beauty queen sa pagtulong sa Arte Partylist na naglalayong iangat ang kalidad at antas ng pamumuhay ng mga malikhaing Pinoy.
Layon ng Arte Partylist na pataasin ang kalidad ng creative industry sa pamamagitan ng inobasyon at koordinasyon ng mga alagad ng sining sa pribado at pampublikong sektor.
Mag-iikot ang beauty queen at lalahok sa mga dialogo upang hikayatin ang malawak na sektor na suportahan at itaguyod ang Arte Partylist.