Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Iglesia ni Cristo INC PEACE RALLY Quirino Grandstand

Sa Quirino Grandstand sa Maynila
HIGIT 1.5-M MIYEMBRO NG INC NAGTIPON PARA SA ‘PEACE RALLY’

UMABOT sa higit 1.5 milyong kasapi at tagasuporta ng Iglesia ni Cristo (INC) ang nagtipon sa Quirino Grandstand, sa lungsod ng Maynila, nitong Lunes, 13 Enero, upang ipanawagan ang kapayapaan at pagkakaisa sa bansa.

Nagsimulang magsidating ang mga nakilahok nitong Linggo ng gabi, 12 Enero, upang makaiwas sa mabigat na trapiko dulot ng mga isinarang kalsada bilang preparasyon sa rally.

Dakong 9:00 am, iniulat ng mga awtoridad na nasa 701,145 katao na ang dumating at inaasahan pang darami.

Ayon sa Manila Police District (MPD), umabot sa 1.5 milyon katao ang nasa Quirino Grandstand pagsapit ng 12:00 ng tanghali.

Binigyang-diin ng INC na ang rally ay upang ipanawagan ang pagkakaisa at isantabi ang mga pagkakahating politikal upang makamit ang minimithing kapayapaan sa bansa.

Inilinaw din ng mga organizer na walang political agenda ang rally at walang kinalaman sa darating na halalan sa Mayo.

Dala ng mga miyembro ng INC sa Quirino Grandstand ang mga banner na may nakasulat na “Kapayapaan para sa Lahat” at “Pagkakaisa ng Bayan.”

Magkakasabay na ginawa ang National Rally for Peace sa 12 pang lugar sa bansa.

Samantala, nagtalaga ang Manila Police District (MPD) ng 3,000 pulis upang mabantayan kaganapan sa Quirino Grandstand.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …