Wednesday , May 14 2025
FPJ Panday Bayani

Edukasyon sa lahat, mataas na sahod sa mga guro tungo sa AmBisyon 2040 – Brian Poe

IMINUNGKAHI ng unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan party list na si Brian Poe Llamanzares na dapat bigyan ng gobyerno ng pantay na sahod ang mga guro at maayos na edukasyon para sa lahat ng kabataan bilang paraan upang mapaunlad ang bansa at ang mamamayan.

FPJ Panday Bayanihan 3

Nagpahayag ng pasasalamat si Poe sa taunang ulat ng pandaigdigang pang-ekonomiyang pananaw mula sa London-based Center for Economics and Business Research (CEBR) at umaasa na ang ekonomiya ng Filipinas ay aangat mula ika-33 puwesto sa 2024 patungo sa ika-23 sa 2039.

Ayon kay Christopher Breen, pinuno ng Economic Insight ng CEBR, ang ulat ngayong taon ay nagpapakita na ang pananaw sa pandaigdigang ekonomiya ay apektado ng ilang bagong reyalidad.

Nasa panganib ang mundo na mag-overadjust patungo sa malawakang taripa na walang benepisyo.

Sinabi ni Breen, sa maraming ekonomiya sa buong mundo, magiging mas mahirap ang kabataang henerasyon kompara sa kanilang mga magulang dahil sa epekto ng tumatandang populasyon sa pampublikong pananalapi.

FPJ Panday Bayanihan 2

“Ngunit harapin natin ang mga hamon na ito sa mga positibong inisyatiba,” sabi ni Poe, “Dahil mayroon tayong mga kalamangan na mapagtatanganan at maraming dapat ipagpasalamat para sa Filipinas sa 2025 at lampas pa,” aniya.

Hinimok ni Poe na kailangan sumulong, lalo na ngayong taon, upang ang mga mag-aaral mula sa pinakamahihirap na pamilya ay makapagpatuloy sa pag-abot ng kanilang mga pangarap sa halip na mapilitang tumigil sa pag-aaral dahil sa kakulangan ng pondo ng kanilang pamilya.

Kinilala ni Poe ang kasipagan ng bawat pamilyang Filipino.

“Halos lahat ng mga magulang ay nagsusumikap upang matiyak na nagkakaroon ng magandang edukasyon ang kanilang mga anak hanggang matapos ang isang programa sa akademiko at makahanap ng magandang trabaho,” saad ni Poe.

Ang maingat na pag-aaral na optimistikong pananaw ng CERB ay naaayon sa ating pananaw na AmBisyon Natin 2040 para sa Filipinas bilang isang “maunlad, karamihan ay nasa gitnang uri ng lipunan na walang mahirap,” ayon kay Poe.

 Kinakatawan ng AmBisyon 2040 ang sama-samang pangmatagalang pananaw at aspirasyon ng sambayanang Filipino para sa kanilang sarili at sa bansa sa susunod na 25 taon.

Ang mga programa ng Kagawaran ng Edukasyon para sa tulong ng gobyerno at mga subsidyo para sa mga mag-aaral sa junior at senior high school ay may malaking P40 bilyon para sa mga karapat-dapat na mahihirap na mag-aaral.

May P633 milyon na paglalaan sa Alternative Learning System para sa  mga mag-aaral na may mga kapansanan.

Mayroon din P28.06 bilyon para sa mga pasilidad ng pangunahing edukasyon, sa paglalaan  ng mga silid-aralan, aklatan at laboratoryo para sa mga mag-aaral sa buong Filipinas mula sa antas ng kindergarten, elementarya, at sekondarya.

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …