Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest, posas, fingerprints

4 tiklo sa paglabag sa election gun ban

AABOT sa apat katao ang nadakip ng mga aworidad dahil sa paglabag sa gun ban sa pagsisimula ng election period nitong Linggo ng hatinggabi, 12 Enero.

Ayon kay P/Gen. Rommel Marbil, hepe ng PNP, nadakip ang mga lumabag mula sa mga rehiyon ng Central Luzon, Bangsamoro, Soccsksargen, at Western Visayas.

Ani P/BGen. Jean Fajardo, tagapagsalita ng PNP, karamihan sa kanilang mga nakompiska ay mga pistola at bineberipika kung mayroong narekober na mahahabang armas.

Aniya, tuloy-tuloy rin ang pagtanggap ng PNP ng mga exemption.

Maaaring i-exempt ng Comelec sa gun ban ang mga tauhan ng PNP, Armed Forces of the Philippines, at iba pang mga ahensiya ng pamahalaang nagpapatupad ng batas kung sila ay nakatalaga sa halalan.

Ang mga exempted ay kailangang nakasuot ng kanilang mga uniporme na may nakalagay na pangalan, ranggo, at serial number na kita sa lahat ng oras at kasalukuyang nagsasagawa ng kanilang tungkulin para sa halalan.

Dagdag ni Fernando, makatatanggap ng parusa ang mga uniformed personnel na magdadala ng armas kung wala silang duty.

Magtatagal ang election period at implementasyon ng gun ban mula 12 Enero hanggang 11 Hunyo 2025.

Nanawagan ang PNP sa publiko ng kanilang kooperasyon sa mga checkpoint ng Comelec.

Kagaya ng nakaraang eleksiyon, itatayo ang mga checkpoint sa iba’t ibang lugar sa bansa kasabay ng pagsisimula ng gun ban.

Pahayag ng Comelec, maaaring makulong nang hindi bababa sa isang taon, permanenteng madidiskalipika sa pagtakbo sa kahit anong puwesto sa pamahalaan, at pagtanggal ng karapatang bumoto.

Samantala, ang mga dayuhang mapapatunayang lumabag sa gun ban ay maaaring parusahan ng deportasyon matapos makompleto ang sentensiya sa piitan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …