ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa Sangguniang Panlalawigan ng Zamboanga del Norte si Gov. Rosalina “Nanay Nene” Jalosjos para aksiyonan ang hiling niyang supplemental budget upang may ipasuweldo sa mga contractual at job order na mga empleyado.
Mula noong Oktubre hanggang ngayong buwan ng Disyembre ay hindi pa nakasusuweldo ang mga contract of service at job order employees dahil sa kawalan ng sapat na pondo.
Ayon sa Gobernadora, matagal na niyang ipinadala sa Provincial Board ang panukalang supplemental budget para pondohan ang suweldo ng mga empleyado.
Nangangamba si Gov. Jalosjos na posibleng maapektohan ang manpower operation ng lahat ng ahensiya ng Provincial Government kung hindi mapasusuweldo ang mga empleyado. (EJ DREW)