Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sigaw ng labor at health workers  
HERBOSA SIBAKIN, PHILHEALTH SUBSIDY IBALIK

121924 Hataw Frontpage

HATAW News Team

ISANG malaking kilos protesta ang inilunsad ng isang koalisyon ng labor groups, health workers, at medical advocates sa makasaysayang tulay ng Mendiola sa San Miguel, Manila kahapon upang igiit ang pagbibitiw ni Health Secretary Ted Herbosa at pagbabalik ng PhilHealth subsidy sa ilalim ng 2025 national budget.

Nasa 1,000 miyembro ng Nagkakaisang Mamamayan para sa Pangkalusugang Pangkalahatan ang sabay-sabay na nagmartsa sa Morayta patungo sa Mendiola habang isinisigaw ang pagpapatalsik kay Herbosa at ang panawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na i-veto ang rekomendasyon ng Kongreso na bigyan ng zero budget ang PhilHealth.

“Zero subsidy for PhilHealth but full subsidy for ‘trapos’ (traditional polititicians) in the form of AKAP, AICS, TUPAD and confidential funds,” pahayag ni Judy Miranda, secretary-general ng Partido Manggagawa (PM).

Sinabi ni Miranda, maganda ang naging hakbang ng Kamara na tanggalin ang confidential funds sa ilalim ng ilang ahensiya kabilang ang sa Office of the Vice President (OVP) ngunit ang pakialamanan pati ang healthcare system at tanggalan ng pondo ang PhilHealth ay malinaw na pasakit sa sektor ng kalusugan.

Binatikos ng koalisyon ang maling desisyon ng Congressional bicameral conference committee na i-zero budget ang PhilHealth at iginiit ng grupo na labag ito sa batas kaya dapat bawiin.

Umaasa ang koalisyon na ive-veto ni Pangulong Marcos ang zero budget ng PhilHealth dahil mayroon itong malaking epekto sa health care system.

Samantala, mariing ipinanawagan ng grupo na tanggalin si Herbosa bilang kalihim ng Department of Health (DOH).

Giit ni Miranda, imbes suportahan ni Herbosa ang sektor ng kalusugan sa harap ng isyu ng zero budget ng PhilHealth ay sinusuportahan pa ito.

Ipinaliwanag ni Miranda na nabigo rin si Herbosa bilang Chairman ng PhilHealth Board of Directors na pagandahin ang serbisyo ng DOH at PhilHealth.

“Sectary Herbosa should step down since he cannot do his job and make good on his promises. He committed to increasing by 50% across-the-board hike in PhilHealth benefits which has not materialized. PhilHealth has excess funds since it is scrimping on benefits. Herbosa, Alis dyan!” diin ni Miranda.

Ani Miranda, ang pagsibak kay Herbosa ay ang unang hakbang para mapaganda ang kalidad ng serbisyo ng DOH at PhilHealth, dahil sa hindi magandang palakad nito kaya nasasakripisyo ang health services para sa taong bayan.

Ang PM ay isa sa grupong sumanib sa koalisyon ng Nagkakaisang Mamamayan para sa Pangkalusugang Pangkalahatan na isa sa intervenor sa naisampang kaso sa Korte Suprema na tumututol sa paglipat ng P90 bilyong sobrang pondo ng PhilHealth sa National Treasury.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

SM MSMEs Wall of Champions

SM Supermalls Unveils the 2025 Wall of Champions, Honoring Filipino MSMEs

2025 MSME Awardees and finalists gather at the SM for MSMEs Wall of Champions, joined …

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Krystall herbal products

42-anyos BPO employee “open secret” paggamit ng Krystall Herbal Products sa kanyang co-workers

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                 Isang magandang …