Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Francis Tol Tolentino Academy of Presiding Officers UP-NCPAG

Tolentino humanga sa nagtapos na vice mayors sa Academy of Presiding Officers ng UP-NCPAG

HINDI naitago ni Senate Majority Floor Leader Francis “Tol” Tolentino na papurihan ang mga vice mayor sa bansa dahil sa kanilang patuloy na pag-aaral at pagbibigay ng pag-asang ibinibigay sa kanilang mga nasasakupan.

Ang papuri ay ginawa ni Tolentino sa kanyang pagdalo sa pagtatapos ng mga Vice Mayor sa Academy of Presiding Officers (APO) sa Center for Local and Regional Governance (CLRG) na inaalok ng University of the Philippines – National College of  Public Administration and Governance (UP-NCPAG) sa pakikipag-ugnayan ng Vice Mayors League of the Philippine.

Ayon kay Tolentino ang ginagawang patuloy na pag-aaral ng mga bise alkalde ay makatutulong upang higit nilang mapamunuan ang pangunguna sa lahat ng sesyon at pagbalangkas ng mahahalagang ordinansa ng lungsod at/o munisipyo na higit na makatutulong sa pag-unlad hindi lamang ng kanilang nasasakupan kundi pati ang kanilang mga mamamayan.

Aminado si Tolentino na nagulat siya sa kanyang natuklasan na may ganitong uri ng pag-aaral na ginagawa ang mga bise alkalde ng ating bansa.

Umaasa si Tolentino na ito ay magpapatuloy sa mga susunod na mga panahon.

Dahil dito ipinaabot ni Tolentino ang kanyang pagbati sa 231 nagsipagtapos na vice mayors ng ating bansa sa naturang programa.

“Buti pa kayo nag-aaral ‘yung iba nating mga kasamahan sa pamahalaan ay ayaw nang mag-aral. Ayaw na matuto kaya marami tayong problema,” ani Tolentino.

Aminado si Tolentino na nakatutuwang isipin, sa kabila ng mga problemang kinahaharap ng bansa ay mayroong mga tulad ng mga vice mayor na gustong matuto ng mga bagong kaalaman.

Ilan sa tinukoy ni Tolentino na problema sa bansa ay ang pitong bagyong dumaan, ang usapin ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte, at maraming iba pa.

Sa pag-aaral na ito ng mga vice mayor ay natitiyak ni Tolentino na mas higit at kakayanin nilang maging lider upang pangunahan ang isang komunidad. (NIÑO ACLAN) 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …