Thursday , April 10 2025
PBBM Bongbong Marcos

Local officials nagpahayag ng suporta sa gobyerno, tuloy ang paglilingkod sa publiko

NANGAKO ang local leaders na pangangalagaan ang konstitusyon, susuportahan ang gobyerno, at magpapatuloy sa pagsisilbi sa mga komunidad sa gitna ng tensiyon sa pagitan nina President Ferdinand Marcos, Jr., at Vice President Sara Duterte.

Sa isang pahayag, sinabi ni Iloilo City Mayor na si Geronimo “Jerry” Trenas na sumusunod sa batas ang local officials at sila ang nangunguna sa paghahatid ng serbisyo sa mga tao at laging papangalagaan ang  Kontitusyon at susunod sa rule of law bilang pundasyon ng pamamahala.

“It is crucial, especially in times of political differences at the national level, to prioritize stability and unity for the welfare of the Filipino people,” saad niya.

Sinabi rin ni Mayor Trenas na bagama’t nagkaroon ng pagkakaiba sa opinyon at diskurso ang publiko sa hindi pagkakaunawaan nina PBBM at VP Duterte, dapat manaig pa rin ang democratic system para ma-address ang mga ganitong concern.

“As local officials, we remain focused on working hand in hand with the national administration to implement programs and initiatives that uplift the lives of our constituents,” pahayag ni Trenas.

Dagdag ng mayor ng Iloilo City, “It is my hope that this matter will be resolved constructively, guided by the principles of our Constitution and the rule of law. Let us all continue to lean on the strength of the administration’s commitment to progress and development for a better Philippines.”

Samantala, nagbigay ng suporta ang League of Municipalities of the Philippines (LMP), na binubo ng town mayors sa Filipinas, ay nagpahayag ng walang tigil na suporta kay Pangulong Marcos.

Sinundan ito ng isang panawagan ng mga mayor para sa accountability sa isyung kinakaharap ng pangalawang pangulo.

“Leadership demands a higher standard of conduct that prioritizes the welfare of the Filipinos above personal or political interests,” pahayag ng LMP.

“We reject any threats of violence or actions that may undermine the safety and stability of our nation. As local elected officials who are mandated to look after the welfare of our people, we are calling on our fellow public servants and the Filipino people to rally behind the President,” dagdag pa ng grupo.

About hataw tabloid

Check Also

Coco Martin Lito Lapid

Coco, Lito magmo-motorcade sa Cavite sa Abril 10

MAGSASAMANG muli sina Senador Lito Lapid at Direk Coco Martin matapos ang pagkamatay ni Supremo aka “Primo” sa Batang Quiapo sa …

SLP Swim League Philippines Patriots League of Champions III

Mula Grassroots Hanggang Champions: SLP Patriots, Umangat sa League of Champions III

Walang inuurungan ang Swim League Philippines (SLP) Patriots sa pangunguna ni Coach Zaldy Lara, matapos …

Grand rally FPJ Panday Bayanihan, dinagsa ng Bicol supporter

FPJ Panday Bayanihan Partylist, dinagsa sa Bicol

LIBO-LIBONG Bicolano ang dumagsa sa kalsada upang tunghayan ang motorcade campaign ng FPJ Panday Bayanihan …

TRABAHO Partylist umiigting pa ang kampanya

TRABAHO umiigting pa ang kampanya

MAS PINAIGTING ng TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, ang kanilang kampanya nitong Sabado mula …

Arrest Shabu

Buy-bust ops sa Arayat, Pampanga
P6.8-M shabu nasabat, big time HVT tiklo

MATAGUMPAY na nagsagawa ng buybust operation ang mga operatiba ng Arayat MPS Station Drug Enforcement …