Thursday , April 10 2025
Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese national na ilang beses inundayan ng saksak ng hindi kilalang suspek sa loob mismo ng kaniyang minamanehong sasakyan habang nakaparada sa Narra St., Tondo, Maynila, nitong Martes ng umaga, 19 Nobyembre.

Pahayag ni P/Capt. Dennis Turla, hepe ng Homicide Section ng Manila Police District, nakita sa backtracking sa mga kuha ng CCTV sa Barangay 242 na tila may hinihintay ang biktima na nakasakay sa nakaparadang sasakyan habang naglalakad ang suspek patungo sa kanya hanggang sa pananaksak.

Matapos manaksak, naglakad ang suspek papalayo sa lugar habang naimaneho pa ng biktima ang kanyang sasakyan patungo sa bahagi ng Padre Algue St., kung saan siya pinaniniwalaang nalagutan ng hininga.

Ayon sa guwardiya ng isang gusaling malapit sa hinintuan ng kotse, biglang nag-hazard ang sasakyan at nang silipin ng traffic enforcer, nakita nilang nakahandusay na ang wala nang buhay na driver.

Nabatid na may apat na tama ng saksak sa hita at dalawa sa kaliwang braso ang biktima.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na hindi taga-Maynila ang biktima at posibleng Chinese national rin ang nasa likod ng pananaksak.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad ipang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek at ang motibo sa likod ng krimen.

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda George Royeca Angkasangga Partylist

Vice Ganda ‘napasagot’ ng Angkasangga Partylist

MARAMING partylist ang nanligaw para sa endorsement ni Unkabogable Star Vice Ganda, ngunit tinanggihan niya ang mga …

Vilma Santos

Batangas gov bet pinagpapaliwanag sa ‘laos’ remark laban kay Vilma 

I-FLEXni Jun Nardo TULOY lang ang kampanya sa Batangas ni Vilma Santos–Recto kahit may nagsasabing laos na …

Bulacan Police PNP

‘Boy Tattoo’ tiklo sa gun ban

rapist, carnapper nasakote rin INARESTO ng pulisya ang isang lalaking lumabag sa Omnibus Election Code …

Shamcey Supsup Ara Mina

Shamcey kumalas sa partido; Ara tahimik

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGBITIW na rin si Shamcey Supsup-Lee bilang kapartido ng Kaya This sa Pasig City. Bunsod ito …

Vilma Santos

Plataporma ang ilatag at ‘di pambabatikos

PUSH NA’YANni Ambet Nabus WALANG ipinagkaiba ang abogado na taga-Pasig kay Jay Ilagan ng Batangas na nanlait …