PLANO ng House panel na nag-iimbestiga sa sinabing hindi maayos na paggasta sa confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) na kumuha ng mga eksperto sa sulat-kamay upang suriin ang awtensidad ng mga resibong isinumite sa Commission on Audit (COA) upang pangatuwiranan ang kanilang gastos.
Kasunod ito ng paglalaan ng P1-milyon bilang pabuya para sa makapagtuturo o makapaghaharap sa isang ‘Mary Grace Piattos’, sinabing isa sa mga tumanggap ng bahagi mula sa P125 milyong confidential funds ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte noong 2022.
Nauna nang sinabi ng mga government auditors sa House panel na ang nasabing halaga ay ginastos sa loob ng 11 araw.05
Binigyang-diin ni Manila Rep. Joel Chua, chairperson ng House committee on good government and public accountability, ang kahalagahan na naroon si Duterte sa pagdinig, kahit nagpasabi na magsusumite lang siya ng sworn statement.
Sa isang press conference kahapon, sinabi ni Chua na ang affidavit ni Duterte, kapalit ng kanyang pagdalo, ay hindi sapat dahil kailangan pa rin niyang sagutin ang mga tanong na puwedeng sumulpot base sa kanyang pahayag, at iba pang kaugnay, sa panahon na siya ang namumuno sa OVP at DepEd.
Magugunitang hindi dumalo si Duterte, ang Kalihim ng DepEd hanggang sa kanyang pagbibitiw sa ahensiya nitong nakaraang Hunyo, sa mga naunang imbitasyon para siya humarap sa House inquiry.
“Actually, Mary Grace Piattos’ name was only highlighted because, as Cong (Romeo) Acop said, it was like two merged food brands,” ani Chua sa kanyang paliwanag kung bakit kailangan ang P1-milyong pabuya sa makapagpapalutang kay ‘Piattos’.
“Bukod diyan, hindi lang ‘yan ang problemang nakita (sa acknowledgment receipts). Isa lang ‘yan.
May nakita rin na 158 acknowledgment receipts na insiyu sa panahon na walang confidential funds.”
Tinukoy ni Chua ang 158 resibo na may mga petsang December 2023 imbes December 2022, kung kailan dapat ginawa ang pagbabayad sa ilalim ng P125-milyong confidential fund ng OVP.
Kabilang ang mga nasabing pagbabayad sa notice of disallowance para sa P73 milyon mula sa
P125-milyong confidential funds ng OVP.