Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Evelyn Francia Nick Vera Perez

Evelyn Francia, NVP1World’s International Inspirational Wonder

PINATUNAYAN ni Evelyn O. Francia na hindi balakid ang edad para abutin ang pangarap. 

Sa edad 67, gumagawa pa rin ng pangalan sa larangan ng pag-awit sa Amerika si Evelyn. Hindi naman nakapagtataka kung angat ang talento niya dahil sa murang edad pa lang, nagpakitang gilas na si Evelyn sa pagkanta, kahit na ang kanyang entablado ay ang hagdan ng kanilang bahay. Nakamulatan niya ang mga American song dahil sa kanyang ama, na isang militar. Ang ina naman niya ay isang Nurse na humimok sa kanya na kumanta para sa mga pasyente nito.

Ang nakabibilib kay Evelyn, sa kabila ng kanyang ‘stutter’, o diperensiya sa pagsasalita, mas naging inspirasyon niya ito para ipagpatuloy ang pagkanta. Sa kalaunan, natagpuan niya ang pananampalataya at sumali sa Praise and Worship group, na nagbigay sa kanya ng mas malalim na layunin sa pagkanta. 

Music has always been a part of me, and I’m excited to continue this journey, connecting with my fans and spreading a message of hope and faith,” ani Evelyn.

Pangarap din ni Evelyn na mag-record ng mga awitin na maipamamana sa kanyang pamilya at mga kaibigan. Sa kasalukuyan, ang single niyang Open Our Hearts ay nagkaroon na ng global digital release. Ang awitin ay nagpapalaganap ng inspirasyon at pananampalataya.

Sa ipinamalas na pagpupursige at achievements, deserve talaga ni Evelyn na tawaging ‘International Inspirational Wonder.’

Makakasama si Evelyn bilang special guest performer sa pagbabalik ni Nick Vera Perez (NVP) sa Pilipinas next year, 2025, para sa album tour ng Parte Ng Buhay Ko, na bagama’t natapos noong 2022 ay ire-release sa 220 global streaming platforms next year. 

Magsisimula ang tour matapos ang grand finale ng hit TV show ni NVP na Laging Ikaw sa May 17, 2025.

Nakilala si NVP hindi lamang sa pagkanta, kundi pati na rin sa modeling, pageantry, at mga charity. Sa kanyang tour, tampok ang mga awitin mula sa Parte Ng Buhay Ko, tulad ng Parte ng Buhay Ko, Biyaya, Paghilom ng Sugat, at Kalendaryo.

Bawat kanta ay sumasalamin sa mahahalagang sandali sa buhay ni NVP.

Lagi akong excited na bumalik sa Pilipinas,” ani NVP. “Ang album na ito ay mga kuwento sa lahat ng pinagdaanan ko, kaya sabik na akong ibahagi ito sa mga fan ko.”

Ipinahayag naman ni Evelyn ang taos-pusong pasasalamat sa NVP1World Entertainment, LLC dahil muli na naman siyang makakasama sa album tour na ito ni NVP. 

Laging napakalaking oportunidad na makasama sa mga pagtatanghal ni NVP. Taos puso ang pasasalamat ko sa kanya dahil nagtiwala siya sa aking kakayahan,” pahayag ni Evelyn. Pinasasalamatan din niya ang kanyang pamilya at mga kaibigan sa suportang ibinibigay nila.

Sa darating na 2025 promo tour ng Parte ng Buhay Ko, tiyak na hindi lang si NVP ang kaabang-abang kundi pati si Evelyn.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …