Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jaime Fabregas EA Guzman John Medina Isang Komedya Sa langit

Isang Komedya sa Langit, naiibang pelikula, tampok sina Jaime Fabregas, EA Guzman, atbp.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAIIBANG pelikula ang matutunghayan sa latest offering ng Kapitana Entertainment Media na pinamagatang Isang Komedya sa Langit (A Comedy in Heaven).

Tampok dito ang acclaimed actor na si Jaime Fabregas sa papel na Father Emanuel Garcia. Co-stars dito sa pelikula sina EA Guzman as Father Juan Borromeo, Gene Padilla bilang si Father Javier Salas, John Medina as Father Paolo Pascual, at Aki Blanco as Brother Marco.

May special appearance dito ang veteran actress na si Carmi Martin, sa papel na Naty.

Directed by Roi Calilong and written by Rossana Hwang, makikita sa pelikula ang joy of lighthearted storytelling and the power of connection.

Isa itong kakaibang drama-comedy na aantig sa mga manonood.

Ayon sa lady boss ng naturang movie company, concept niya ito at nagdesisyon siyang gawin ang pelikula dahil naniniwala siya sa proyekto.

Ang istorya nito ay ukol sa tatlong pari na galing sa year 1872, na nang nagkaroon ng eclipse ay nag-time travel sa present time.

Pinuri ng producer ang mga artista niya rito, lalo na sina Jaime at Carmi. 

Aniya, “I’m very happy sa casts ng pelikula sa pangunguna ni Jaime Fabregas, because he’s very professional, he’s a very nice person… talagang mabait siya. Always on time siya, at kapag hindi pa siya dapat umalis, nandiyan pa iyan. Hindi siya nagrereklamo… he’s very nice to work with.

“Si Carmi ay very nice rin, when I gave her the script, kinilatis niyang mabuti. Also, para siyang si Jaime na always on time. And nang na-late ang make up artist, siya na mismo ang nag-make-up sa sarili niya.”

Dagdag ni Kapitana, “Si John Medina nice rin siya, very professional din. Siya ang bida roon sa TV series namin sa NET25 titled Barangay Mirandas (Pipol of da Barangay), Pati si Gene and lahat naman, kaya naging maayos ang shooting namin dito.”

Bukod sa casts, pinuri rin ni Kapitana ang kanilang direktor sa pelikula.

Anyway, naibalita rin niyang maganda ang feedback sa nakakita na ng teaser nito, kapululutan ng aral, bukod pa sa entertaining.

“Sabi nila, it’s a very nice movie raw, feel good movie siya at saka kapupulutan ng aral,” sambit ni Kapitana.

Esplika niya, “Isang Komedya sa Langit delivers a compelling narrative with humor and emotion. Bringing together elements of fantasy, comedy, and a hint of historical fiction.”

Ang pelikula ay hango sa libro na isinulat din ni Kapitana Rossana.

Ang Isang Komedya sa Langit ay rated GP, kaya sinisiguro nito ang isang family-friendly experience sa lahat ng viewers of all ages.

Huwag palagpasin ang pelikulang ito na mapapanood sa January 2025. Tiyak na ito ay maghahatid ng katatawanan, aral, at liwanag sa lahat ng klase ng manonood.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …