TINATAYANG nasa 4,000 pamilya ng overseas Filipino workers (OFW) ang nakiisa sa 13th Overseas Filipino Workers and Family Summit sa The Tent, Vista Global South, C5 Extension, Las Piñas City nitong nakaraang Biyernes, 8 Nobyembre 2024 sa pangunguna ni dating Senate President Manny Villar, mga Senador Cynthia at Mark Villar, Deputy Speaker Camille Villar, at OWWA administrator Arnel Ignacio.
Layunin ng Summit na turuan para bigyan ng direksiyon at gabayan kung paano protektahan ang kanilang pinaghirapang pera upang hindi mabiktima ng mga mapanlinlang na investment scam.
Kabilang sa mga premyo sa raffle ang Camella house and lot, Kawasaki Motorcycles, AllHome Appliances, at Kabuhayan showcases mula sa AllDay. (EJ DREW)