Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vina Morales

Vina tutok muna kay Ceana at sa career, pahinga muna ang puso

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAGPAPAHINGA raw ang puso ngayon ni Vina Morales.

Kuwento ng aktres/singer nang tanungin namin kung kumusta na ang puso niya ngayon “Relaxed lang, steady lang naman ‘yung aking puso. I’m okay, I’m okay, I’m happy with whatever… kung ano ang nasa position ko ngayon.”

Nagsimula ang mga haka-haka na loveless ngayon si Vina dahil marami ang nakapansin na wala na siyang post tungkol sa kanila ng kasintahang foreigner na si Andrew Kovalcin. Nobyembre 2023 sila naging official via Instagram na magkarelasyon.

Pagpapatuloy ni Vina, “Minsan talaga dumarating sa point na hindi ka na masyadong nagpo-post, tinanggal pala? Ha! Ha! Ha!”

Ang anak niyang si Ceanna at ang kanyang acting and singing career ang focus ngayon ni Vina.

“I would say I’m in a position that I am happy even I’m not seeing someone.

“I always believe kasi ‘pag hindi mo… hindi right person, it will never happen.

“Ayoko kasi… nasa point ako ngayon na ayokong ipilit, kasi noong kabataan maski nakikita mong may mga red flag, ipipilit mo pa rin hangga’t nasasaktan ka na.  

“So ngayon nare-realize ko that if it’s not really meant for you, huwag mo na ipilit, because I know there’s always somebody right for us.

“Maybe it’s also not the right time dahil ako personally, hindi pa ako the right person for my partner, so I’m still in a process to be a better person.

“Kaya siguro hindi pa naibibigay sa akin, pero kasi ngayon ang priority ko is hindi…you know, a relationship.

“Priority ko is my daughter, Ceanna and ‘yung trabaho pa rin, trabaho.

“Pero if there’s another chance na magkaroon ako to be in a relationship, bakit hindi?

“Pero hindi na ‘yan ‘yung main goal ko, kasi hindi mo masabi talaga kung kayo, o kung tatagal ba, o forever ba.

“Mahirap magsalita ngayon. Ako, I’m taking it one day at a time.”

Speaking of trabaho, magkakaroon si Vina ng concert, ang The Ultimate Performer: Vina Morales, Live In Concert sa November 16 sa Winford Hotel Manila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …