Friday , November 1 2024
Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kung talagang may sapat na batayan base sa kaniyang naging pahayag sa kanyang pagdalo sa pagdinig ng senado ukol sa kampanyang gera kontra droga sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Ayon kay Dela Rosa, sa pagdinig ng senado ay buong tapang na sinabi ni Duterte na inaako niya ang lahat ng responsibilidad ukol sa naganap na programa at proseso sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Binigyang diin ni Dela Rosa kung paanong buong tapang na humarap sa senado ang dating pangulo ay tiyak na hindi niya aatrasan ang kahing anong kasong ihahabla laban sa kanya.

Nanindigan si Dela Rosa na sa kanyang palagay ay wala siyang nakikitang naging masamang pahayag ng dating Pangulo sa pagdinig upang maging basehan para sampahan ng kaso.

Ngunit isa ang nais niyang linawin sa publiko na kailanman ay hindi siya nakarinig ng utos kay Duterte noong siya ang Philippine National Police (PNP) chief na kahit sinong mahuli na sangkot sa droga ay patayin at barilin sabihin lang na nanlaban.

Naniniwala si Dela Rosa na kahit sinong pulis lalo na siya na galing sa academy ay hindi susunod sa ganoong utos lalo na’t alam niya ang tama at mali.

Samantala, sinabi ni Dela Rosa, ang kahilingan niyang ipatawag si Ronnie Dayan at Kerwin Espinosa ay hindi upang hiyain si dating Senador Leila de Lima kundi upang bigyang linaw ang mga pahayag na mayroon siyang kinalaman upang ituro ang dating senador.

Paglilinaw ni Dela Rosa, wala na rin saysay ang ano pang sasabihin ng dalawa laban kay De Lima lalo na’t nalitis na ng korte ang kaso nito at nabigyan na ng hatol. (NIÑO ACLAN) 

About Niño Aclan

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …