RATED R
ni Rommel Gonzales
NASA horror film na Nanay, Tatay si Jeffrey Hidalgo kaya tinanong namin kung naka-experience na ba siya sa tunay na buhay ng multo?
“Actually wala pa, wala pa ‘yung first-hand. Sabi nga niyong manager ka, si Lou Gopez… si Lou naman sobrang nakakakita siya.
“Alam niya na ‘yung third eye ko sobrang sarado, wala akong nararamdaman, minsan nakikita niya katabi ko na raw pero ako hindi ko nararamdaman.”
So kailangang mabuksan ang third eye ni Jeffrey?
“Ayoko! Okay na ako rito,” at tumawa si Jeffrey.
Takot siya?
“Hindi naman, pero parang… I actually wouldn’t know how I would react kung open ‘yung third eye ko, pero happy na ako na wala siya, at least wala akong takot, actually hindi ako madaling matakot, eh.”
Mula sa Viva Films at Happy Infinite Productions, Inc. at Studio Viva production, ang Nanay, Tatayay sa panulat at direksiyon ni Roni Benaid na bida rin sina Aubrey Caraan, Heart Ryan, Elia Ilano, Billy Vileta, at Xia Vigor.
Kasama rin ang Pasahero na mula rin sa Viva Films at Viva Studio , JPHLiX Films, BLVCK Films at Pelikula Indiopendent.
Kasali rin sa festival ang dalawang foreign horror film na The Thorn: One Sacred Night mula sa Indonesia at ang Japanese film na House Of Sayuri.
Mapapanood ang entries sa Sine Sindak 2024 exclusively sa mga SM Cinema mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 5.