Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Leni Robredo Benhur Abalos, Jr 2

Robredo, Abalos nagkita para maghatid ng tulong sa mga biktima ng bagyong Kristine sa Naga

NAGA CITY, Camarines Sur — Nagkasama muli sina dating bise presidente Leni Robredo at senatorial candidate Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. para magpaabot ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Kristine, na nag-iwan ng matinding pinsala at pagbaha sa mga barangay ng Naga City.

Sa kabila ng pag-iwas nina Robredo at Abalos sa media, nakunan sila ng retrato ng ilang residente, na nagpahayag ng paghanga sa tahimik na paraan ng kanilang pagtulong.

Sinalubong ni Robredo si Abalos sa paliparan. Kaagad nag-usap ang dalawa upang mapagplanohan ang mas epektibong distribusyon ng tulong sa mga apektadong lugar.

Bukod sa personal na pag-abot ng tulong, parehong naglunsad ng kani-kanilang panawagan para sa donation drive sina Abalos at Robredo sa kanilang social media accounts upang makahikayat ng donasyon para sa iba’t ibang organisasyon.

Sa panahon kung saan maraming politiko ang tila mas nakatuon sa pagpapakita ng kanilang relief efforts sa publiko, sina Robredo at Abalos ay tahimik at walang kaingay-ingay na tumutulong sa mga Bicolano.

Ayon sa mga ulat ng lokal na pamahalaan, mahigit 10,000 pamilya ang naapektohan ng bagyong Kristine sa Camarines Sur, ang higit 2,000 sa kanila ay kinailangang lumikas dahil sa patuloy na pagbaha.

Tinatayang umabot sa 50 katao ang nasaktan at may ilang kaso ng nawawala pang residente. Ang bagyo ay nagdulot ng malawakang pinsala sa mga kabahayan, pananim, at impraestruktura dahilan upang magsagawa ng agarang relief operations ang mga ahensiya at mga pribadong grupo.

Sa isang pahayag sa kanyang social media, sinabi ni Abalos na sa mga panahong tulad nito, mas mahalagang tutukan ang pagtulong kaysa mga personalidad.

“Maraming bahagi ng Luzon ang lubog sa baha dahil sa pinsalang dulot ng bagyong #KristinePH. Bukod sa sama-samang pananalangin, ngayon, higit kailanman, magkaisa tayo sa layuning makapag-abot ng tulong sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyo,” ayon sa paskil sa Facebook ni Abalos.

“Panahon para magkaisa. Maraming mga kababayan natin ang tinamaan ng bagyong #KristinePH lalo na po ang rehiyon ng bikol. Anuman ang ating maibabahagi—gaano man ito kaliit—kapag pinagsama-sama, makabubuo tayo ng makabuluhang pagbabago. Sama-sama tayong umaksiyon para sa mas mabilis na pagbangon ng ating mga kababayan at ng bansa,” dagdag niya sa paskil.

Nanawagan din si Abalos ng  tulong para sa mga magsasakang lubhang nasalanta ng bagyo. Dapat aniyang  tulungan ang mga alagang hayop na apektado ng bagyo at hinikayat  ang publiko na mag-donate sa Philippine Animal Welfare Society. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …