I-FLEX
ni Jun Nardo
UMUGONG bigla ang tsismis na si Congressman Sandro Marcos, anak ni President Bongbong Marcos, ang producer ng Metro Manila Film Festival 2024 entry na Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital.
Isa kasi sa bida sa movie ay ang aktres na si Alexa Miro na nali-link kay Cong. Marcos. Madalas kasing spotted ang dalawa sa gatherings. Pero walang pag-amin mula sa kanila, huh!
Bata pa lang si Alexa nang magsimula sa showbiz hanggang sa lumaki at nabigyan ng break sa movies gaya ng A Girl and A Guy at iba pa.
Muling naglabasan ang mga Marites nang maugnay kay Cong. Sandro at lumabas na ang tsismis na producer ito ng Strange Frequencies.
Pero fake news ang balitang ito dahil ang Reality Entertainment nina Dondon Monteverde at Direk Erik Matti ang producer ng movie. Hindi ang anak ni PBBM, huh.
Ang pelikula nga pala ay adaptation ng Korean boxoffice hit na Gonjiam, Haunted Asylum na napapanood sa Netflix.