Thursday , November 21 2024
Ram Revilla

Sa hagupit ng bagyong Kristine at iba pang trahedya
CAVITEÑOS TULONG-TULONG, SAMA-SAMA SA PAGBANGON

NANINIWALA si Cavite Board Member Ram Revilla, sa pagkakaisa at pagtutulungan ng mga kababayang Kabitenyo sa tulong ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ay unti-unting makababangon ang lalawigan sa naranasang hagupit ng bagyong Kristine at iba pang trahedya at kalamidad na kanilang naranasan.

Bilang kinatawan ng kanyang ama na si Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr., at bilang bokal ng lalawigan ng Cavite nagtungo si Ram Revilla sa bayan ng Rosario upang saksihan ang pamamahagi ng tulong sa mga kababayan na naapektohan ng malawakang oil spill at ang katatapos na hagupit ng bagyong Kristine.

Nagpasalamat si Ram kay Pangulong Marcos, sa pagbibigay ng Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk sa mga kababayan sa Rosario, Cavite na makatatanggap ng tig-P6,500 ang mahigit 4,700 beneficiaries.

Aniya, dahil sa pagtutulungan ng mga lider ng Cavite sa pangunguna ng kanyang amang si Senador Revilla, DILG Secretary Jonvic Remulla, Governor Athena Bryana Tolentino, at Congressman Jolo Revilla natupad ang ayuda para sa mga kababayan.

Kasamang dumalo sa pamamahagi ng ayuda ni Board Member Revilla ang Sanguniang Panglalawigan at ang mga lokal na opisyal ng bayan ng Rosario.

Sa panayam, nanawagan si Ram sa mga kababayang Kabitenyo na ‘wag mawawalan ng pag-asa basta lahat ay magtulong-tulong para sa sama-samang pagbangon.

Matapos ito, nagtungo si Ram sa Barangay Sta Rosa 1, Sta Rosa 2, Poblacion, San Antonio 1, at San Antonio 2 sa bayan ng Noveleta, kung saan dumating si Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr., para mamahagi ng sako-sakong bigas sa 5,150 beneficiaries.

Nagtungo rin ang mag-amang Revilla sa Barangay San Juan 1, San Juan 2, San Rafael 4, San Jose 1, at San Jose 2, sa bayan ng Noveleta at namahagi ng bigas sa  5,850 beneficiaries.

Agad nagbigay ng tulong si Senador Revilla sa Barangay Batong Dalig, Paminitan, Potol, at San Sebastian sa Kawit, Cavite upang mamahagi ng sako- sakong bigas sa 8,683 beneficiaries.

Kasunod nito, nagtungo si Senador Revilla sa Barangay Aniban sa Bacoor upang magbigay ng tig-P2,000 sa mga apektado ng bagyong Kristine. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …