Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jennica Garcia Jean Garcia

Jennica ‘nag-alinlangan’ kay Jean matapos masampal

RATED R
ni Rommel Gonzales

ANG ganda-ganda lalo ngayon ni Jennica Garcia, may inspirasyon ba siyang nagpapa-blooming sa kanya?

Alam niyo, gusto ko sanang sabihin mayroon na. Ha! Ha! Ha!

 “Wala pa, single pa rin po tayo. Actually, excited nga po ako sa mga day-off ko, kasi medyo matagal na po akong walang day-off, ilang linggo na rin, parang pa-one month na po.”

Anong day-off?

Na wala pong work, kasi gumawa po tayo ng tatlong pelikula this year, tapos on-going po ‘yung para sa teleserye natin.

“So talagang parang wala talaga tayong time.

“Pero ang goal naman talaga natin ay makapag-ipon, dahil mayroon tayong dalawang anak na binubuhay, kaya naman maa-achieve natin yan,” wika pa ni Jennica na nakausap namin sa 30thanniversary ng Bioessence na celebrity endorser siya.

Nagsimula ako rito 17 ako. I’m turning 35 already andito pa rin, thank you. Thank you so much,” bulalas ng aktres.

Samantala, trending ang makatotohanang pananampal ng mommy niyang si Jean Garcia sa mga eksena nito sa Widows War.

Ano ang masasabi ko sa performance niya? Ang sabi siguro ng direktor sampal, bakit parang pasapak na ‘yung sampal niya,” at muling tumawa si Jennica.

Sabi ko, bakit kaya ganoon, ‘yung instruction sampal pero ‘yung hawi ng mommy ko…at saka ‘di ba ‘pag sampal one hand lang, ‘yung sa kanya nagmu-move ‘yung right tapos nagmu-move rin ‘yung left.”

 Nasampal na ba si Jennica ng mommy niya ng ganoon?

Nasampal na po niya ako sa eksena, sa ‘Ina Kasusuklaman Ba Kita?’ Pagkatapos ng pagsampal niya sa akin inisip ko rin po kung gusto ko pa ba siyang tawaging inay. Ha!ha!ha! Biro lang po.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …