NAGPAALALA ang Philippine Airlines, Cebu Pacific at AirAsia Philippines sa mga pasaherong nagbabalak na bumiyahe sa nalalapit na Undas na maglaan ng sapat na oras bago ang kanilang flight.
Inaasahan ng local airlines ang malaking bulto ng mga pasaherong magbibiyahe sa pamamagitan ng eroplano mula at patungo, sa mga probinsiya sa darating na holiday season bago at pagkatapos ng 1 at 2 Nobyembre.
Mahalaga aniya ang paalala sa mga pasahero para tulungan silang maghanda at magplano para sa isang maayos na paglalakbay sa panahon ng Undas.
Kailangan tiyakin ang flight schedule bago magtungo ng airport, mag-check-in online, at tiyakin ang itinakdang free check-in luggage upang maiwasan ang karagdagang charges sa bagahe.
Maagang umalis ng bahay papunta sa paliparan nang hindi bababa sa tatlong oras para sa domestic flight at apat na oras naman para sa international flights.
Samantala, ipinahayag ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa mga biyahero ang paalala ngayong Undas 2024.
Sa pahayag ng PITX, dapat magtungo nang maaga ang mga pasahero sa terminal para suriin ang schedule ng kanilang mga sasakyang bus.
Inaasahan ng PITX na aabot sa 2.4 milyong biyahero ang dadagsa ngayong araw hanggang sa 5 Nobyembre.
Tiniyak ng naturang terminal ang kanilang kahandaan para sa nasabing aktibidad at nakipag- ugnayan sa iba’t ibang ahensiya ng pamahlaan para matiyak ang seguridad at kaligtasan ng bawat isa. (NA)