NAGSIMULA nang maramdaman ang pagdami ng tao sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Sa pinakahuling tala ng nasabing terminal, pumalo ang kanilang monitoring sa mahigit 64,000 biyahero.
Sa kabila nito, inaasahan ng pamunuan ng PITX na tataas pa ang bilang habang papalapit ang Undas kompara sa bilang ng pasahero sa mga regular na araw ng biyahe.
Ang naturang bilang anila ay kadalasang nangyayari tuwing sasapit ang tanghali o early afternoon.
Dahil dito, simula ngayon hanggang 5 Nobyembre ay nakatutok ang PITX sa buhos ng mga pasahero sa kanilang terminal na inaasahang aabot ang kabuuang bilang sa 2.4 milyong pasahero.
Kaugnay nito, ramdam na ang epekto ng bagyong Kristine sa mga biyahe ng bus kahapon, 21 Oktubre, kaya kinansela ang mga biyaheng Masbate na nakatakdang umalis dakong 12:30 pm ang RORO ganoon din ang biyaheng Virac, Catanduanes na aalis sana dakong 4:30 pm. (NIÑO ACLAN)