Friday , March 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest, posas, fingerprints

51-anyos babaeng akusado inaresto ng BI, PNP AVSEGROUP sa NAIA T3

ISANG paalis na pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 patungong South Korea ang inarestong mga miyembro ng Philippine National Police Aviation Security Group (PNP AVSEGROUP) at Bureau of Immigration (BI).

Ang pag-aresto sa 51-anyos babaeng pasahero ay bunsod ng lumabas sa computer system ng Immigration na may nakabinbing warrant of arrest sa kasong bouncing check law.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Quezon City ang akusado para sa dokumentasyon at karagdagang legal na aksiyon.

Sinabi ni P/BGen. Christopher N. Abrahano, Direktor ng PNP AVSEGROUP, nananatiling nakatuon ang PNP AVSEGROUP sa pagbibigay ng mas ligtas na paliparan sa pamamagitan ng paghuli sa mga indibiduwal na sangkot sa criminal activities. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong …

Taguig NCCA Vista mall

Arts Festival 2026 inilunsad ng Taguig LGU sa Vista Mall

OPISYAL na binuksan ang Taguig Arts Festival 2026 nitong nakaraang Sabado, 28 Pebrero, sa pamamagitan …

Stella Quimbo Money Maleta

Idiniin ng 2 Ex-Marines
Ex-solon tumanggap ng male-maletang pera

KINOMPIRMA ng dalawang dating Marines ang nauna nilang pahayag na naghatid sila ng mga maleta …

cal 38 revolver gun Shabu Drugs

Kahit sa kabundukan naglalako ng ilegal na droga
Shabu, baril nasamsam sa 4 notoryus na tulak

NADAKIP ng mga awtoridad ang apat na katao, kabilang ang isang nakatalang high value individual …

Arrest Posas Handcuff

Sa San Rafael, Bulacan
Top 4 provincial level most wanted rapist timbog

Naaresto ng mga awtoridad ang isang lalaking may kasong panggagahasa sa bisa ng warrant of …