RATED R
ni Rommel Gonzales
SA Balota na pelikula ng direktor na si Kip Oebanda na pinagbibidahan ni Marian Rivera ay super-deglamourized ang GMA Primetime Queen.
Bilang teacher na si Emmy na napilitang tumakas at magtago mula sa mga masasamang loob bitbit ang isang ballot box matapos ang botohan, magdamag na nanatili ang guro sa gubat.
At ang resulta marumi, putikan, may mga galos sa mukha at buong katawan, at sa mismong shoot ng mga nabanggit na eksena ni Marian, walang karekla-reklamo ang misis ni Dingdong Dantes.
Lahad ni Marian sa panayam sa kanya, “Sabi ko, masarap palang gumawa ng isang pelikula na hindi ko iniisip ang hitsura ko.
“Kasi bago ko tanggapin ang requirements talaga ni direk is no make-up, simula hanggang umpisa hanggang dulo, ha?
“Gusto niya ganoon. Very raw.
“Tapos no double rin talaga.”
May mga eksena na tumatakbo si Marian sa gubat bitbit ang mabigat na ballot box at tumatama sa kanya ang nakausling sanga ng mga halaman.
May eksena ring nakasampa siya sa ibabaw ng isang sanga ng puno para magtago. Pero kahit alam niyang mga ganoong pahirap ipagagawa sa kanya, tinanggap pa rin niya ang pelikula.
Aniya, “Actually wala nga sa schedule, eh.
“Pero noong ini-ready nila sa akin, ipinasa ‘yung script, nagpunta sina direk sa akin, in-explain nila, parang may spark?
“Hindi ko alam eh, parang, ‘di ba, kapag mayroon tayong gusto at parang may light na naramdaman. Parang sabi ko, ‘It’s a sign. Gawin ko kaya ito?’
“And then sabi ko, ‘Give me the script, basahin ko.’
“Noong binasa ko ‘yung script, sabi ko, ‘Oh my God, something new for me. Gawin ko ito!”
Pagkatapos ng pelikula, inspirado ang aktres na tumanggap pa ng mga indie film projects na naiiba sa mga karaniwan niyang ginawa in the past, mapa-pelikula man o telebisyon.
Ayon sa kanya, “Sabi ko, yes, as long as maganda ‘yung pelikula at maganda ‘yung mensahe.”
Pero ayaw niyang isipin kung ano pang specific role ang gagawin niya in thefuture.
“Naku ‘yung Balota nga, hindi ko naisip na ‘yan pala ay isa sa mga gusto ko eh.
“Siguro mas maganda na kapag may offer, kung ano ‘yung character, na wala sa expectation ko. Siguro mas maganda ‘yun kaysa pinaplano.”